[Panaginip] Ang Ombudsman at ang Dalawang Kalihim

Nagising na lang ako isang umaga na maingay sa kusina. May kakwentuahn ang aking nanay. Mauulan noong umagang iyon. Pero kahit anong lakas ng tunog ng ulan sa aming bubong ay rinig na rinig ko pa rin ang mga boses nilang apat.

Bumangon ako at tumungo kung saan nagmumula ang mga boses na nagsasalitan. Si Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang una kong nakita. May hawak siyang tasa ng kape. Hinahalo nya ito para matunaw ang idinagdag na gatas habang nakatingin kay Justice Secretary Leila de Lima.

Si Madam de Lima ay may hawak na pandesal. Pakirawi kong may palaman itong itlog at ketsup na karaniwang umagahan namin tuwing sabado. May sinasabi ang kalihim na hindi ko na naintindihan. Mataas ang tono na parang may gustong ipaliwanag sa mga kausap.

Napansin ko ding nandoon si DSWD Secretary Dinky Soliman na kasabay nilang kumakain. Tahimik ito at ranmdam kong pagod siya dahil sa mga trabaho noong nakaraang mga araw.

Hindi nila alintana ang sikip ng aming kusina. Maliit lang ang aming bahay kaya hindi ko na rin makita ang hangganan ng kwartong tulugan, kusina at sala. Hindi ko rin alam kung bakit sina sa amin nakikiumagahan. Basta ang pakiramdam ko, walang bago at walang kakaiba sa pagkakataong nakita ko sila sa aming bahay.

Napansin ako ng aking nanay at sinabing kumain na rin ako. Binati ako ng aming mga bisita at ngumiti ako sa kanila. Sinabi ko sa aking nanay na sana ginising ako ng mas maaga. Alas-otso na noong maalimpungatan ako.

Maya-maya pa’y sinabi ni Madam de Lima na uuna sina at babalik pa sila ng Maynila. Hihiram daw sila ng payong kasi walang silang dala.

Parang magkukumare lang silang mag-usap at magpaalam. Sinamahan namin silang lumabas ng bahay. Sumakay sa tricycle ang ombudsman at ang dalawang kalihim. Pumasok na ulit ako sa loob para mag-umagahan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s