UPCAT Tips

Ang mga ito ay ayun lang sa aking opinion at karanasan. Huwag mo akong sisisihin kung sakaling hindi ka pumasa kahit sinunod mo ang mga tips ko.

  1. Magdala ng pagkain at tubig. Huwag subukan ang chicharon. Pwedeng kumain habang may exam.
  2. Magsuot ng pulang brief o pulang panty sa araw ng exam.
  3. Magdala ng jacket para may magamit kapag malamig sa venue.
  4. Bago ang exam, relax-relax ka na lang. Wag nang magreview.
  5. Mas mabuting malaman mo na kung paano pupuntahan ang designated venue. Mahirap nang maligaw kapag sa UP campus ang exam.
  6. Huwag kalimutan ang exam slip o kung ano mang documents na kailangan. Sure ako iiyak ka kapag naiwan mo ang mga ‘yon.
  7. Siguraduhing magjebs muna at umihi bago ang exam.
  8. Dumating sa venue kahit isang oras bago ang exam.
  9. Huwag kabahan sa exam. Kung nahihirapan ka, isipin mo nahihirapan din ang iba.
  10. Sundin ang instructions ng exam.
  11. Sa English, basahin mo muna ang tanong bago hanapin ang sagot sa at least half-page selection/story.
  12. Maging conscious sa oras dahil may time limit ang bawat parts ng exam.
  13. Kapag hindi alam ang sagot, have an intelligent guess.
  14. Kung hindi gumagana ang intelligent guessing, sagutan ang mga items gamit ang iisang letter lang. “B” mo lahat or “C” mo lahat. Hindi advisable pero ginawa ‘yun ko dati.
  15. Magdasal ka muna sa Kanya. Wag mong hilingin na pumasa ka. Pero hilingin mong maalala mo lahat ng inaral mo at maging matalino ka sa pagiisip ng isasagot.
  16. Pagkatapos ng exam, huwag na huwag kang magkikipagkwentuhan sa mga kaklase mo tungkol sa mga naging tanong at sagot nila sa exam.
  17. Huwag maniwala sa “UP and Others”. Hindi lang UP ang school na tutupad sa mga pangarap mo. Nasa pagsisikap ‘yon.

*******

Advertisements

One thought on “UPCAT Tips

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s