Mga Pananaw Pagkabata

Natatawa na lang ako kapag naaalala ko lahat ng mga inakalang kong totoo noong mga apat hanggang limang taong gulang pa lang ako.

 

“Kapag walang stars sa gabi, uulan. Stars ang takip sa mga butas ng ulap.”

Dahil sa mga sinasabi ni mami kaya pinaniwalaan ko ng matagal yan. Kukuhanin nya daw ang mga sampay nya sa labas dahil walang mga stars at baka umulan. At naisip ko na lang na pangtapal sa butas ng ulap ang mga stars.

 

“Kailangang mag ‘ba-bye’ at kumampay sa dumadaang helicopter.”

Ginaya ko lang siguro ito sa mga nakakalaro ko dati.

 

“Nagiging airplane ang stars sa gabi.”

Madalas ako nakatingin sa langit sa gabi noong bata ako. Pinapanood ko ang mga stars. At dahil sa mata ko noon ay nagbabago bago ng hugis ang stars, naiisip ko na pagnagtagal, mag split yung stars into red and blue lights tapos nagiging eroplano na lumilipad sa gabi. Tapos aalis na sa pwesto nya. Ang gulo nuh?

 

“May maliliit na tao sa loob ng TV.”

Yan siguro ang pinakamagandang paliwanag ko sa sarili ko noong bata ako kung bakit may mga nakikita akong tao sa telebisyon.

 

“Ang mga namatay ay mabubuhay muli.”

In non-biblical sense, pinaniniwalaan ko yan noong bata pa ako after mamatay ng lolo ko. Hindi ko lang siguro natatanggap dati na hindi ko na makikita ang isang tao na namatay na.

 

“Dalawang beses tinutulian ang lalaki. Isang tuli para sa bawat itlog.”

Tinatakot ako dati na tutulian ako sabay takbo naman ako pauwi sa lola ko. Hindi ko naintindihan kung paano ko naisip na ang pagtutuli ay pagtatanggal ng itlog. Wahahaha! Since dalawa ang itlog, dalawang beses gagawin ang tuli. Ang sakit.

 

“Ang Amerika ay lugar na malawak na damuhan at laging gabi.”

Isa pa ito sa hindi ko maintindihan kung bakit ko ito naiisip dati. Siguro naisip ko yun dahil sa tunog ng salitang “Amerika”.

 

“Ang eskwelahan ay isang masayang lugar.”

Dati gustong-gusto ko nang pumasok at magaral. Iniisip ko dati na masayang lugar yun. Tapos aalis ako ng bahay na may uniform at may dalang libro. Hanggang sa mamulat ako na isang malaking pagkakamali ang pinaniniwalaan ko noon.

 

“Hindi ko magiging kaibigan ang mga mayayaman dahil ayaw nila sa mahihirap.”

Siguro dahil yun sa mga napapanood o naririnig ko noong bata pa ako. Nagkakaroon din ako ng mga panaginip na hinahabol ako ng mga batang mayayaman sakay ng kanilang sasakyan para ako ay banggain.

 

“Naaawa ako sa mga laruang hindi nilalaro dahil nalulungkot sila.”

Naiisip ko na para ring tao ang mga laruan na ayaw maiwan magisa. Madalas kasi magisa lang ako sa bahay noon. Nagtatrabaho si Mami. Ang lola ko naman nagtitinda ng kumot kasama ang kapatid ko na mas bata sa akin.

 

“Ang ilog ay walang katapusan.”

May isang malaking creek sa Maragondon Cavite. A iniisip ko na hindi maaabot ang dulo ng ulog na yun.

 

“Ang Saulog ay tawag sa lahat ng bus.”

Siguro parang colgate at toothpaste ang story noon. Nagiging common noun ang isang proper noun dahil sa dominance nya. Ang Saulog ay isang bus company.

 

“Ang nabunging ngipin ay kailangang ihagis sa bubong.”

Sabi lang sa akin ng pinsan ko yun. Ihahagis sa bubong, kunanin ang matalinong daga at papalitan nya ito ng bagong ngipin.

 *******

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s