Ang Hindi mo Dapat Malaman

May sasabihin ako sayo. Pero wag mong ipagkakalat ang malalaman mo. Kung hindi, lagot ako. Mapaparusahan talaga ako. Please talaga wag mo ipagsasabi kahit kanino. Gusto ko lang sabihin sayo ito para naman gumanda ang performance mo. Baka sakaling makatulong ako.

Yung traffic kanina tanda mo? Saka yung tumalon sa building? Saka yung away ng konduktor at isang pasahero sa bus na sinakyan mo? Natatandaan mo ba? Lahat yun, setup lang. Lahat ng nangyari, planado. Alam ng lahat na magkakaroon ng mga ganoon. Intensyon ng lahat ng ma-late ka sa trabaho mo. Hindi mo lang naririnig at hindi mo napapansin, naguusap-usap sila para magawa ng maayos ang plano. Alam ng lahat ang mangyayari. Maliban sayo.

Ako si Marlon. Isa ako sa mga gumaganap sa mundo mo. Nagkita tayo maraming meses na. Minsan ako yung binilhan mo ng tinapay isang umaga. Naglalako ako ng pandesal noon. Siguro mga limang beses ka nang bumili sa akin. Nakasabay mo rin ako sa MRT. Ako yung isa sa mga bumaba sa Shaw Boulevard Station. Ang purpose ko sa MRT na ‘yon ay para mas masikipan ka sa tren. Ang scene kasi rush hour at maraming tao ang pauwi galing sa trabaho. Nagkita na rin tayo sa isang supermarket. Isa ako sa mga crew na nagaayos ng mga supply. Hindi mo lang  ako napapansin na paulit-ulit na tayong nagkikita. Sa totoo lang, hindi lang ako ang halos madalas mong makasalubong. Marami kami. At lahat kami.

Bago ka pa lang ipinanganak, alam na naming dadating ka. Naghanda na kami ng mga plano na mga mangyayari habang lumalaki ka. Simula pa lang, alam na namin ang mga roles na gagawin namin. Trained kami mula sa labas ng mundo mo para umarte. At kahit ano mang gawin mong reaction sa mga nangyayari sa paligid mo,  masasabayan ka namin. Yung totoo, sa amin nagmula ang phrase na “The show must go on”. Hangga’t kaharap ka namin at bawat oras na nasa paligid ka, gagawin namin ang role na naka-assign na hindi magmimintis at paniniwalain ka.

Mahirap ang trabaho namin. Lagi kaming dapat handa. Lagi kaming attentive sa ‘yo kahit hindi halata. Kung ano man ang gagawin mo, dapat alam din namin ang mga susunod naming gagawin. Oo nga pala, hindi lang kaming mga kasama mo sa mundong ito ang nakakakita sayo. Sa labas ng larong ito, may mga mata pang humuhusga sayo. Mga observers. Wala kang kaalam alam sa mga bagay na yon. Ang mga matang tumitingin sayo mula sa labas ay inaabangan ang mga desisyon mong gagawin. Tinitingnan nila ang mga reaksyon mo sa paligid at doon ka nila makikilala kung paano ka mag-isip. Nasa ‘yo ang desisyon kung paano mo ginagawan ng kahulugan ang mabuti at masama.

Tingnan mo ang mga tao sa paligid mo. Tingnan mo sila sa mata. Pansinin mo silang mabuti. Nakikita mo ba ang sinasabi ko? Umaarte sila. At sakaling makausap mo man ako, sorry but I have to act my role. Iisipin mong hindi ka papansinin ng mga tao. Pero alam nila na nasa paligid ka at nakikita mo sila. Pinakamagagaling na artista ang mga kasama mo mula noong ipinanganak ka. Lahat kami ginagawa ang trabaho namin. At wala kang kaalam-alam.

Ang mga pag-ulan, bagyo at mga sakuna ay lahat palabas lang. They are just effects. Ang akala mong kahulugan ng salitang aksidente ay mababago kapag naintindihan mo ang lahat. Walang aksidente dahil lahat ng ito ay nangyayari ayon sa plano.

Kapag naintindihan mo ang katotohanan, wag mo sanang isiping nagiisa ka. Kasama mo pa rin kami. Nandito kami para sayo. Pero kung paano ka namin pakikitunguhan na depende sayo kung paano ka makikitungo sa amin. Ngayong nabasa mo na ito, buburahin ko na ito sa internet. Wala sanang makakaalam. Hindi mo ito pwedeng ikwento sa mga taong kasama mo dahil baka sila magsumbong sa mas nakakataas. Alam ng mga magulang mo ito at ng mga naging pinakaclose mong kaibigan.

Kahit na ang mundong pinaniniwalaan mo ay isa lang palabas simula noong ipinanganak ka, ang buhay na meron ka ay totoo. Isang beses ka lang pinagbigyan para makapasok dito. Use it for the best. Hindi mo kailangang maging mayaman kasi in the end aalis ka rin naman. Ang mahalaga ay kung paano mo gagamitin ang iisang chance na ibinigay sayo. Ang nangyayari ngayon sa ‘yo ay final exam. Nasa mga observers ang desisyon kung ipapasa ka nila o hindi after mong mamatay.

Ngayong alam mo na, sana mapagkatiwalaan kita. Wag mo itong ipapaalam sa iba. Galingan mo. Eto pa, hindi mo rin ito dapat malaman; sa labas ng mundo kung nasaan ka ngayon, ako ay ang kapatid mo. Sige ha, hanggang dito na lang.

*******

Advertisements

3 thoughts on “Ang Hindi mo Dapat Malaman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s