Alaala ng isang Kababata

Malamang magpapatulong ka sa akin para magformat ng resume mo. Or kaya naman magtatanong ka sa akin kung paano magpaikot-ikot sa Maynila kung sakaling nagaaply ka na. Pwede ring magyayaya ka para mag jogging tayo ng umagang-umaga sa Sampaloc Lake. Malamang itetext mo si Christian at si Mark para isama sila. Hmmm siguro mas matangkad ako sayo, medyo bumagal ang pagtangkad mo nung huli. Kung nagkataon, may anak ka na kaya ngayon? Or ilan na kaya ang sana ay naging girlfriend mo? Nasan ka kaya sana ngayon? Pumasa ka na siguro sa board exam.

Ikaw ang second honor sa batch natin nung grade one tayo. At swerte ko namang ako ang first :D. Noong elementary tayo, ikaw ang pinakamabilis tumakbo. Gusto ka ng lahat maging kasagpi kapag naglalaro ng sikyo. Sa recess at tanghali, hindi pwedeng hindi tayo magiging amoy araw. Magagalit si Ma’am Balitaan! Ang init kasi sa classroom tapos amoy pawis pa. Pero ayos lang, bata pa eh. Active na active tayo nun!

Hindi ko tanda ang details noong time na yun pero ang naaalala ko, may sinalihan tayo na parang mr. pogi sa instrams sa school. Grade 3 yata tayo nun. Eh hindi ako maalam pumorma noon. Ang sabi mo lang sa akin, gayagin kita at  tyak namang may papalakpak para sa atin. At ginawa ko nga! Kinabahan ako ng sobra.

Noong grade 4 tayo, may project tayo na collection ng medicinal plants. Magkasama tayong nag-iikot para maghanap. Sabi mo, sa may Bliss tayo magpunta. Medyo malayo na para sa akin yun. First time kong tumawid sa isang maliit na ilog para lang sa shortcut. At ang hindi ko talaga malilimutan noon ay hinabol tayo ng aso! Basta ka na lang sumigaw na “Lon takbo!” at nagulat ako na ang layo mo na agad. Haha! Muntik na akong maabutan. Tumama ang nguso ng aso paa ko habang tumatakbo, ayun nasaktan yata. After noon, tawa ka ng tawa. Hindi natin alam kung paano babalik kasi hindi tayo makakadaan ulit sa kalyeng ‘yon. At dahil dun napilitan ulit tayong tumawid sa Sabang creek. Hindi ko sinabi kina Mami ang mga nangyari ‘yun kundi mapapagalitan ako, haha.

Eto, the best to, tanda mo ba nung tatlo tayo nina Jeff na lumaban sa PE, Music at Arts? Grade 5 tayo noon. Sa district natin, ginawa nating pangbungkot ang school! Hahaha.. Hindi ko alam kung sumama ba ang loob ni Ma’am Santos sa atin. Sa arts ako. Sa music ka. Tapos si Jeff sa PE. Pero nung quiz bee naman sa Philippine history, ikaw ang nagsecond sa district. Wala akong place noon hehe. Pinagrereview tayo noon sa library at binigyan ng handouts pero ibang books ang mga binabasa ko sa library. Nakakatamad kasi magmemorize. Ewan ko ba kung bakit ang sipag mo.

Noong nakagraduate tayo ng elementary, nagtake tayo ng entrance exam sa science curriculum ng City High.  Tayo lang dalawa noon. Si Jeff kasi hindi nakapunta. Hindi ko matandaan ang dahilan. At yun, noong pasukan, saka lang natin nalaman na pumasa tayo. At still, magkaklase pa rin tayo.

Nawala ka sa honors noon. Madami na kasing mga estudyante na galing sa iba’t ibang school. At malamang, magagaling sila kasi pumasa din sila sa entrance exam na ni-take natin. Remember si Angelo Barcenas? Bukod kay Jordan, ikaw ang favorite  at crush na crush ka nun haha! May english class pa tayo na may dramatization. Yun bang mga jokes. May linya ka pang, “Don’t pick her up. She’s dirty.” At bumenta sa lahat ha. Kahit pamilyar na ang buong klase sa joke na yun dahil sa mga naging practice, ewan pero bumebenta pa rin paulit-ulit!

Sa buong highschool days natin, ang pinakahinangaan ko sayo ang yung hindi mo pinabayaan ang Science Investigatory nyo. Ang entry nyo ang ipanlalaban ng school sa Intel. Talagang tulong-tulong kayo nina Via. May isang chance na niyaya mo akong sumama sa experiment nyo sa Tiaong, Quezon sa bahay nina Ma’am Candelaria! Ginawa mo akong taga-patek ng plot ng mga pinatutubong halaman nyo. Haha! Ayus din. Exercise na rin. Kaso nung hapon na, problemado tayo kasi wala tayong pamalit na damit. Pawis na, madumi pa gawa ng putik. Umuwi yata tayo noon na ganun ang suot.

Lumalablayp ka na nung highschool unlike noong elementary na snob ka sa mga nagkakagusto sayo. Syempre, sa usaping yan, hindi mawawala si Gillian. Hmmm minsan ka nga rin palang nalink sa girlfriend ko na si Rizza. At sa pagkakatanda ko, nalink ka rin sa naging girlfiend ni Ramon na si Anna Wee. Hmm hindi ko na lang alam kung sino pa haha..College days hindi na tayo magkaklase o magkasama sa iisang campus. Sabi mo gusto mo rin makapasok sa UP pero hindi na nangyari kasi hindi mo nakita ang pangalan mo sa UPCAT results. Sayang nga lang, nakaenroll ka na at huli na nung nalaman namin na waitlisted ka pala. Iba na ang mga naging circle of friends mo. Pero at least, kasama mo sa school ang ilan sa mga highschool classmates natin. Sa kanila ako nakakabalita sa mga nangyayari sa inyo.

First year college. Second Year college. Ayoko nang magbilang pa ng taon. Noong nawala ka na, nabalitaan ko lang na noong exam nyo sa school, may iniwang test paper sa upuan mo kahit hindi ka na dadating pa. Ang daming kaibigan na nagmahal sayo. Ang daming umiyak sayo. Ang daming hindi akalain na sa edad nating ‘yon ay umuna ka na. Alam mo ba, sabi sa akin ng mami mo, ayaw nyang makikita ako. Naaalala nya ikaw lagi kapag nakikita nya ako at ang mga kabatch natin. At sobra daw siyang nasasaktan. Mahal na mahal ka ng mami mo. Ang dami nyang kwento tungkol sayo. Kahit maliit na bagay, detalyado nyang naiikwento.

Ang tagal namin naabsorb na wala ka na. Yung parang pakiramdam ko, nasa kabilang mga kabahayan ka lang kapag weekend. Kung buhay ka kaya ngayon, mahilig ka kaya sa gadgets? Kasama ka kaya namin noong huling City Fiesta? Hindi mo naabutan ang SM. Kung babalik ka man sa Jollibee, naabutan mo sana ang experties ngayon ni Marvin. Hindi mo nakita si Debbie nung umuwi siya sa Pilipinas. Hindi mo rin nakita ang kapatid mo na ngayon ay dalaga na. Hindi na tayo makakajogging ulit sa Sampaloc Lake kasama ang iba pa. Nauna ka lang. Ang katotohanan susunod din naman kami, wag nga lang sana ngayon agad. Anyway ingat kung saan ka man ngayon. Hinding-hindi ka namin malilimutan. Sigurado ‘yun.

Pahabol! Ang daya mo rin eh no. Ang huling itsura mo na maaalala namin ay hindi na tatanda pa. #ForeverYong?

venz_via_mafe

*******

Advertisements

One thought on “Alaala ng isang Kababata

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s