Thanks for the Three Years

Third week ko na sa bago kong trabaho. Everything is new. Sarili ko na lang yata ang hindi bago. It feels good na nasasanay na ako sa labas ng naging comfort zone ko for more than 3 years. New colleagues. New environment. Much more corporate ambiance. Pero namimis ko pa rin ang dati.

Isa siguro sa dahilan sa motivation ko sa bago kong work ay ang maranasan na makapagtrabaho sa isang multi-national company. At eto pa, ang office nila ay nasa isang prestigious corporate address sa Ayala Avenue. E di ba nga mahilig ako sa mga buildings, parang eto na yata ang isa sa inasam ko makapagtrabaho sa isang “totoong” skyscraper. 😀 Hahaha amp. Ang babaw.

Dahil sa naging comfort zone ko na ang mesa ko sa dati kong opisina, ang dami kong nagagawa kapag nagkakaaroon ng vacant hours.

Doodle sa tissue. Sige doodle pa! Doodle lang ng doodle!

Doodle sa tissue. Sige doodle pa! Doodle lang ng doodle! Hmmm isang buong umaga nagawa ko ito sa nakakaawang tissue na nahawakan ko.

Smiling Monitor

Sabi sayo eh, pwedeng kausapin ang monitor ko. Magsalita ka lang ng magsalita makikinig lang yan sayo.

Touchdown

At dahil sa sobraaaaaang laki ng mesa ko, napagisipan ko na magtayo ng runway para sa sundo ko pauwi. Ayan, isang Boeing 747 Cargo ang pababa..

 

CBD on my table

At hindi lang runway ng naitayo ko sa mesa ko… May financial district din!

Hmmm.. hindi ko talaga maiwasan na mamis ang mga kasama ko dati. Yung teammate ko nga ngayon na tinatawag sa opisina na Teng ay natawag kong Troy. Si Troy kasi ang isa kong kasama dati sa nauna kong trabaho. Kapag nalaman nya yon naku tatawanan ako ng mga ‘yon. Tapos gagatungan pa ni Jobelle, isa sa aming QE dati, e malakas din yun makabira ng punch lines.

CSG_Outing_Photo

2013 Summer Outing

Ang tagpong ito ang huling kuha na madami pa kami sa dati kong company. Team outing namin sa Calatagan Batangas. Ako nga pala ang CEO ng company. See? Nasa gitna ako? Biro lang po.. Gusto ng CEO namin ang event ng summer parties ng mga Pilipino. Masaya daw talaga unlike sa mga nasa US na parang picnic lang. Hmm yung CEO namin yung nasa upper left ha.

CSG_outing_EngineersFrom left to right, si Troy, si Mam Jodie, si Jocelle, si Jobelita, ako, then si Uzi. Yung nasa taas, sila ang teammates ko maliban kay Uzi (Lablab ni Jobelita). Meron pang isa, si Neil na malamang siya ang may hawak ng camera.

CSG_Outing CSG_Outing_BestTeam

About sa picture sa taas, ‘yan ang best summer outing team. Kami lang naman ang champion sa mga activities noong summer outing na huli. And for three years, lahat yata ng team na member ako, nananalo! Haha ang hangin. Nagkakataon lang siguro. Lagi ko kasama sa team si Diane. Siya yung nasa upper right. 😀

CSG_pinoy_henyo

Siya ang significant one ng CEO namin. Ohh ha… She had fun playing Pinoy Henyo. And she is very good at that.

CSG_Engineering_Naga

Huling outside company activity namin ito. Nagpunta kami sa Naga City sa bahay nina Neil. Hinding hindi ko malilimutan ang byahe noong madaling araw na iyon. Waw talaga. Hindi ko magawang matulog dahil gustong lumipad ng bus namin sa bilis ng takbo.

CSG_Outing_CEOOh, here’s the big boss! And doing that? It makes him more awesome.

Last view from the nearest window

Last view from the nearest window

Mamimis ko ang view ng Salcedo Village mula sa angulong nasa drawing. Hmmm teka, yung karamihan sa building pala sa bintanang iyan, imbento ko lang pala. Sayang, sana pala ginaya ko mismo kung ano-ano ang mga nakikita ko. Pero at least, nasa akin pa rin si Wisher. Siya yung indoor plant na nakadrawing. Sa ngayon nasa bahay namin siya sa Laguna. After sometime dadalhin ko na rin siya sa bagong opisina.

Ayun.. new chapter nga daw. Sina Ma’am Jodie, Neil, Troy, Jobelle at Jocelle, dati katrabaho ko sila. Ngayon mga kaibigan na. Claim ko nga kami ang best dev team hehe. Thanks for the 3 years that we have. Thanks for the laughter, fun and stories. Hinding hindi ko kaya makakalimutan ang mga kakulitan nyo! haha.. 😀 Hanggang sa muli.

*Credits to photo owners, Ma’am Jessa and friends 🙂

*******

Advertisements

2 thoughts on “Thanks for the Three Years

  1. lahat dumadaan dyan. macocompare at macocompare mo talaga. makikita mo yung mga dati mong teammates sa mga bago mong kasama. withdrawal syndrome. you’ll get by. just enjoy the journey. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s