Ang Pinili ko sa Alamat

Ayon sa isang hindi sumikat na alamat, bago isilang ang tao ay kinakausap muna sila ng Diyos. Tinatanong Nya kung anong gustong magkaroon sa buhay ng bawat isa kapag isinilang sa mundo. Nagbibigay ang Dyos na mga pamimilian kung ano-ano ang gustong magkaroon ng tao kapag nabuhay na sila. Ilan sa pamimilian ay kayamanan, kasikatan, katalinuhan, kagandahan, antas ng buhay at kapangyarihan. Madami pa Siyang ibinibigay na pamimilian pero isa lamang ang pwedeng hilingin ng bawat tao. Ang iba ay Siya na ang bahala kung ipagkakaloob Nya depende kung paano gugugulin ng tao ang buhay nya sa lupa. May katumbas na naisasakripisyo ang bawat piliin ng tao. Walang buhay na perpekto ika nga. Kung totoo man ang alamat, hindi maaalala ng tao ang kanyang pinili dahil sa oras na siya ay isinilang, binubura ng Diyos ang mga alaala nya.

Noon, hindi ko pa masabi kung ano nga bang pinili ko bago ako  ipinanganak. Hindi ako ipinanganak sa magaan na buhay. Napakasimple lang na kinamulatan ko. Sa totoo nga lang hirap noon. Pero kahit na madaming mga naging problema at pinagdaanan, masasabi kong maswerte pa rin ako. Habang natagal, parang nakikita ko na ang hiniling ko. At kung sakaling kausapin ulit ako para palitan ang dati kong pinili ng lahat ng kayamanan sa mundo, tatanggihan ko iyon at patuloy ang pagiging masaya sa kung anong meron ako.

Sila ang Pamilya ko
😀

Pamilya. Ang swerte ko sa pamilya ko. Sila ang the best. Parang kapag kami ay sama-sama wala na mahihiling pa. Komportable. Masaya. Ang kukulit ng mga kapatid ko kaya buhay na buhay ang aming bahay kapag kami ay kumpleto. Malalaki na kami ngayon. Pero maliit man ang aming bahay, ayus lang. At least, hindi nawawala sa mata namin ang isa’t isa.

Ang swerte ko sa mga magulang ko. Napakababait nila. Seryoso. Kahit nga mga kaibigan ko close na nila. Sila yung tipong pwede mong lapitan talaga na hindi ka magdadalawang isip. Maaari mong kakentuhan at katawanan. Sila yung magulang na hindi ako matatakot na lagi ako pagagalitan o paghihigpitan. Hindi ko mararating ang kung anu mang meron ako ngayon kung wala sila. Kung muli akong ipapanganak, gusto ko sila pa rin ang magiging magulang ko. Maging mayaman man o mahirap, gusto ko sila pa rin ang mag-aalaga sa akin at magpapalaki.

Ang mga kapatid ko naman ang mga the best kapatids ever. Kahit may mga pagkakaiba kami sa ugali, habang natagal, mas nagiging maayos pa ang samahan namin. Kahit sina mami, natutuwa sa kanila kapag nasa bahay. Madalas ako nasa Maynila kaya sila ang madalas kasama nina mami. Hanep sila magpatawa at bumanat ng kalokohan. Nandyan pa si dadi, taga gatong din sa biruan. Sa mga subjects sa school, wala akong sinabi sa mga kapatid ko pagdating sa Math. Seryoso. Lumalabas na ako ang pinakamahina sa amin pagdating sa numbers at mga related dun.  At gusto ko yung ganun. Mas gusto ko na lamang sa akin ang kapatid ko. Ang sarap kasi isipin lalu na at napapahanga nila ako madalas. Kapag ang dalawa kong kapatid ay nag-uusap ng academics, minsan ang pinaguusapan nila ay hindi ko na maalala kung paano nga ba ginagawa.

May mga hilig ang mga kapatid ko na hindi ko masabayan katulad ng online games at anime. Pero pareho naman kami ng hilig ng dadi sa mga laruan tulad ng RC helicopters. Kapag may video streaming ang mga kapatid ko na may mga katatawanan, aasahan mong dating din ang ama ko para punahin kung nakakatawa nga ba ang napapanood namin o sadyang mababaw lang ang aming kaligayahan. Si mami naman medyo health conscious habang natagal. Kaya halos araw-araw nagjojogging siya ng 3.5 km palikot sa Sampaloc Lake tuwing umaga. Dahil dun, pati si dadi napapajogging na din kasi ayaw naman ng dadi na mag-isa lang magjogging si mami. May pasok at review naman ang dalawa ko kapatid kaya hindi sila makasama, at ako may trabaho.

Siguro noong kinausap ako ng Dyos bago ako ipanganak, sila ang pinili ko na magkaroon sa buhay ko. At hindi ko sila ipagpapalit sa iba pang pamimiliang ibinibigay ng Dyos tulad ng  kayamanan, kasikatan, antas ng buhay at kapangyarihan.  Ikaw, ano kayang pinili mo?

*******

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s