Akalain mong speaker nila ako?

May nakapagsabi sa akin na hindi ako naging “conventional” guest speaker noong nabigyan ako ng pagkakataon na makapagsalita sa graduation ng school ko noong ako ay elementary pa. Pano ba naman, nagawa ako ng written speech kaso while on delivery, hindi ko na nasunod ang mga exact words at terms na nakasulat. Para lang daw ako nagtuturo at nagkukwento. Inisip ko noon na madami ang hindi magagandahan sa nangyari, lesser formality kasi. Pero matapos ang lahat, binati ako ng mga teachers dahil nakikinig daw talaga ang mga bata pati mga magulang. 😀 Naaaaaks! Lumalaki na naman ang ulo ko. Hahaha!

C.M. Azcarate Graduation 2013 from the stage

C.M. Azcarate Elementary School graduates

So eto yung supposedly speech ko. Kaso nga ayun, hindi ko na matandaan kung anong mga words and sentences ang naisingit ko at tinanggal habang nagsasalita ako.

Speech by Marlon Anico Jaurigue
C.M. Azcarate Elementary School Commencement Exercises
March 18 2013

Isang magandang umaga po sa lahat ng guro at panauhin.

Mas magandang umaga po para sa mga magulang at kamag-anak ng mga graduating students na naririto ngayon.

At pinakamagandang umaga naman para sa mga nakaupo ngayong mga graduating student sa harap ko.

Bago ko po ang lahat, gusto ko lang pong magpasalamat sa mga teachers ng C.M. Azcarate Elementary School para sa pag-imbita sa akin bilang panauhing pandangal sa graduation natin ngayon. Natutuwa po talaga na ako ay na naimbita nyo. At nakakatuwang isipin na narito pa rin ang mga teachers sa Azacarate na naabutan ko noong ako po ay elementary pa.

(facing to the students)

Kamusta kayo? Anong pakiramdam nyo ngayon? Ok lang? Masaya? Noong graduation ko nung grade 6, napakasaya ko noon. Hindi dahil honor ako. Kundi dahil nalampasan ko na ang anim na taon ng assignments, periodic tests at mga exercises na walang sawang ibinibigay ng mga teachers ko noon. Ganyang ganyan din ako dati. Walang pinagkaiba sa inyo. Nakaupo sa kinalulugaran nyo ngayon. Nakikinig sa kung anu mang meron sa program ng graduation ceremony. Tatanggap ng diploma. Tatanggap ng pagpapatunay mula sa DepEd na dating DECS pa noon.

Pagkatapos ng graduation na ito? Anong susunod? Bakasyon! Pwede. Damahin nyo ang pagiging elementary graduate nyo. Kasi pagdating ng June maghi-highschool naman kayo. Sasabihin nyo another assignments, projects at tests na naman? Kahit ganoon na pahirap ng pahrap ang mga inaaral, sana wag kayong magpabaya. Wag nyo susukuan ang mga taong dadating pa para mag-aral kayo. Wag nyong sasayangin ang pagkakataon na makapag-aral dahil hindi lahat ng mga kabataan na katulad nyo ay nakakaranas pumasok sa paaralan.

Gusto kong magtanong sa isa sa batang nasa unahan kung ano ang pangarap nyang maging (ask first the student in front). Sino yung first honor natin, gusto ko lang din malaman kung ano ang pangarap nyang maging (ask the first honor)

(impromtu comments about sa sagot nila)

Ang pagtatapos nyong ito at bahagi ng unti-unti nyong pag-abot sa pangarap na iyon. Ang teachers nyo, ang principal, ang mga district supervisors sa San Pablo, nagelementary yan. Ang may-ari ng SM, ang mga piloto, kahit ang presidenta ng Pilipinas, nag-elementary ang mga yan. Bakit sila nakarating sa kinalalagyan nila ngayon? Dahil hindi sila nagpabaya. Dahil nagsikap sila. Dahil may pangarap sila sa buhay. Hindi lang sa graduation na ito nagtatapos ang lahat. Dahil pagtapos neto, may mga susunod pa kayong pagsubok sa pag-aaral at sa buhay.

Ako dati sa totoo lang, noong elementary pa ako, hindi ko alam ang gusto kong maging. Ang alam ko lang noon, papasok ako sa school. Hindi pedeng hindi. Kapag may assignment ako, hindi pedeng wala ako masubmit. Kapag may test ako, kailangan maipasa ko. Nong grade 1 ako, wala akong alam sa mga honor-honor na ganyan, hindi ko iniisip na dapat honor ako. Basta ang ginagawa ko lang at yung the best na magagawa ko. Isa pa, honor ka man o hindi, hindi yun basehan sa kung maaabot mo ang pangarap mo. Madami akong kakilala, hindi sila naging honor students mula elementary pero naaabot na nila ang gusto nila sa buhay. Accountants. Engineers. Nasa pagsisikap ang lahat ng yon.

Para po sa mga magulang, nagpapasalamat po ako sa inyo at binabati ko kayo dahil napagtapos nyo na ng elementarya ang mga batang ito. Mahabang panahon ang anim na taon para pagsikapan. Araw-araw gigising ng maaga. Magbibigay ng baon para sa kanila. At gagastos para sa mga pangangailangan nila. Hindi madali humanap ng pera lalu na’t hindi naman lahat tayo ay angat sa buhay. Salamat po sa inyo.

Makwento ko lang po. Tatlo kaming magkakapatid na lalaki at lahat kami graduate dito sa Azacarate. Lahat po kami ay nag-aral sa City High noong highschool. Yung bunso na lang ngayon ang  nag-aaral pa sa city high. Sa inaraw-araw namin  sa City-High at sa kagustuhan ng nanay namin na makakain kami sa tanghalian ng maayos, nagbi-bike siya para hatidan kami ng binalot sa tanghali. Bihirang sumablay yon. Araw-araw talaga. Kilala na nga siya ng mga guards sa gate. Tapos kapag po may requirements kami sa school, tinutulungan nya kami para sa mga gagamitin namin. Magkatulong sila ng ama namin. Minsan pa po, kapag naiwan namin ang project na ginagawa sa bahay, ihahabol pa talaga sa school, nakabike ang ama ko dala yong project. Tapos pagdating ng hapon, aasahan na namin na pagagalitan nila kami kasi hindi namin iniayos muna ang lahat ng gamit bago umalis sa umaga. Hindi ako makakapasok sa UP at hindi ako magiging scholar ng DOST kung hindi dahil sa kanila. Napakaraming papeles at requirements na hinihingi para makapag-apply at makapasa sa UP at DOST. Lahat ng papeles na kailangan nagawan nila ng paraan. Walang kulang. May backup pa silang itinago. Kung hindi po dahil sa kanila, hindi ako makakarating sa kung anong meron ako ngayon. Ang meron ako ngayon ay hindi lang dahil sa pag-sisikap ko kundi dahil na rin sa kanila. Malaking bahagi sila.

Mga magulang, hindi po magtatagumpay sa buhay ang mga batang ito kung hindi nyo po sila matutulungan pa sa mga haharapin nila. Hindi ko po sinasabi na maghatid din kayo ng binalot araw-araw sa mga anak nyo, nangyari lang po kasi na malapit lang sa school ang bahay namin. Naniniwala po ako na hindi talaga nila kakayanin mag-isa kahit pa sabihing may sarili na silang desisyon sa buhay ilang taon mula ngayon. Kung naging sakit ng ulo nyo po sila sa anim na taon sa elementarya, pasensya na po pero sana po maging mas pasensyoso pa rin po kayo sa kanila sa dadating pang mga taon.

Narinig na po natin siguro ang magiging K to 12 Program na inilunsad ng DepEd. Ito po ay dagdag na dalawang taon bago makagraduate ng highschool. Naiintindihan ko po na hindi madali ang magpaaral lalu na’t madadagdagan pa ng dalawang taon ang magiging lakbayin ng bawat mag-aaral. Pero ako po ay naniniwala na pagnagtagal, malaki ang maitutulong niyo para po sa mga anak nyo. Kahit po highschool lang ang matapos nila at  hindi  makapagtapos ng college ay magiging mas handa po sila para magkaroon ng mga trabaho. Naniniwala po ako na hindi naman malala ang kakapusan ng trabaho sa ating bansa. Ang nangyayari lang po ay hindi akma at hindi handa ang kakayahan ng mga bata sa mga trabahong maaaring mapasukan sana nila.

Wag po sana kayo panghihinaan ng loob sa pag papaaral sa mga anak nyo. Sana po ay maging matatag kayo. Dahil sa inyo po sila huhugot ng lakas ng loob para harapin ang mga pagsubok na dadating sa kanila.

Kayo namang mga estudyante, makiramdam din kayo sa magulang nyo. Kung nahihirapan sila, tulungan nyo. Hindi habang buhay, nandyan sila para sa atin.

Ang pag-buo ng iyong kinabukasan ay hindi iisang teknik lang. Madaming paraan para gawin yon. Pero sa dinami dami ng mga paraang iyon, hindi mo magagawa ang gusto mo sa buhay kapag hindi mo ginawa kauna unahang hakbang. Ang mangarap.

Para sa akin, ang hindi pagkakaroon ng pangarap ay nakakatakot. Kapag ganoon, parang sinabi mo na wala kang plano sa buhay na umangat at umunlad. Kahit bata pa lang kayo, pwede nyo nang isipin ang mga bagay bagay na gusto nyong maging paglaki nyo. Isipin nyo kung nasan ka at ano ka na sampung taon mula ngayon. Sabi nga nila, libre ang mangarap. Sa pangarap nagsisikmula lahat. Yun ang plano sa gusto mong maging. Kapag may naiisip ka na gusto mong mangyari sa buhay mo, isunod mo ang pagsisikap at pagtityaga. Ang pangarap ay mananatiling pangarap kung wala kayong gagawin para maabot ang mga ito. Sa anu mang bagay na ginagawa nyo, wag nyo kakalimutang idasal sa Diyos na patnubayan kayo.

At kapag dumating ang panahon na naabot nyo na ang mga gusto nyong marating sa buhay, huwag nyong kalimutan na magbalik tanaw at magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng inyong tagumpay katulad ng mga the teachers, mga kaibigan, syempre sa mga  magulang at sa Diyos.. Wag nyong kalilimutan ang mga taong tumulong sayo. Maging mapagkumbaba kayo. Maging mabuti kayong mamamayan ng ating bayan. Tumulong kayo sa pag-unlad ng ating bansa.

Magtatapos kayo ng elementary. Pero ang pagtatapos na ito ay siyang simula ng mas madami pang hamon. Madaming madami pa kayong haharapin. Pero eto ang sigurado. Sana pakatandaan nyo. Kapag nagtyaga kayo, naging masipag at hindi nagpabaya, masabik kayo sa kaya nyong gawin. Kahit ano kaya nyong maging.

Maraming salamat po sa inyo. At binabati ko kayong lahat.

Ang sarap lang sa pakiramdam. Kahit papano na-touch ko ang buhay ng mga batang hindi ko naman kilala (talaga? na-touch?) Sa loob-loob ko, napapaisip ako na ganun lang din pala ako kasimple noong ako ay elementary pa. Bata. Hindi pa nila alam ang haharapin. Madami pa silang kakaining ulam at bigas. Mahaba pa ang lalakarin ng mga paa. Ilang sapatos at tsinelas pa ang gagamitin at masisira. Madami pang ipapasa at maihuhulog na exams. May mga luha pang iiiyak. Makakaramdam pa lang sila ng mge emosyon na lilito at magbibigay kulay sa buhay nila. (pag-ibig ba yon?). At kung ano ano pa. Anyway, salamat po sa ibinigay na pagkakataon. 🙂

*******

Advertisements

23 thoughts on “Akalain mong speaker nila ako?

  1. Lon, I am reading your speech right now, a few hours before I go to the same role that you had a year ago. And I would admit, this gives me one of the worst nervoudness I have felt so far. Pero salamat sa speech na ‘to at nagka-ideya ako ng pwedeng gawin at sabihin, hehe.

  2. Napaka insperesyonal naman…tomorrow I’ll be in the same role too…and to tell you, this is the first time to be a guest speaker…thank you so much for the ideas… GOD BLESS to you and to your FAMILY!!!

  3. .. and this is my turn bilang guest speaker.. Sabi nga ng isa kong kaibigan, “Let them Dream Big!”. . Gusto ko ding magbigay inspirasyon hindi lang sa mga bata kundi higit sa mga magulang.. Thank you for the Ideas.. I love it..

  4. salamat po sa napakatouching na speech nyo.. nagka idea na po ako sa kung anong gagawin ko 2weeks from now… first time guest speaker din po ako,…

  5. Hello po ikinagagalak ko po na nabasa ko po ung cnabi nyo sa mga graduating students noon sa C.M Azcarate.Napadpad po ako rito dahil nakita ko po ung may nakasulat na C.M Azcarate kaya binasa ko po ito hindi man po ako ang mag iispeech ngyong Gr.6 atleast nagkaroon po ako ng kaalaman para kung mag ispeech rin po ako ng ganan handa na po ako ^•^Oo nga po pala may isa pa pong dahilan kung bat ko po naisipang basahin ung speech nyo,ako po ay isang mag aaral na mula sa C.M Azcarate gagradute na po ako ngyon (ang kinalamanan) nahaha,masaya po ako dahil simula Gr.1 – Gr.6 sa C.M po ako gagrauduate yun lang po at maraming salamat. Salamat po sa pagbabasa ng comment ko

  6. I love the content.can i borrow some of your lines?:) il be a speaker in april and i find your speech very touching and inspirational.😉

  7. Sir, maganda po ang speech nyo.. pwede po bang magamit ito? I will just modify it po. Invited din ako to be their guestspeaker this coming April 6.. and it will be my first time.. I find this speech perfect para doon po. Yun po kung pahintulutan nyo akong Hamilton ito..

  8. Sir,napakaganda at makabuluhan ang inyong speech.Habang binabasa ko ito ako’y natutuwa kasi bagay na bagay ito sa mga magulang at may substance tlaga lahat ng sinasabi nyo.Sir,pwede po ba magamit ang ibang lines sa speech nyo kasi po first time ko po mainvite pr maging guestspeaker thing coming 6April 11 pasensya na po.Maraming salamat po

  9. This is awesome touching speech.. I’ll be in same role this Friday.. Could you allow me to borrow some of your lines.. Thanks

  10. Hi! I find your speech inspiring but at the same time, fun to read 🙂 Am asking your permission to use some of the parts of your speech. I will be speaking to graduating elementary students this afternoon. Thank you 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s