CAMPUS LIFE: 2006-40325 @ the University of the Philippines – Los Baños [Part IV]

Kilala ko na kung kanino ang bawat tunog ng alarm clocks ng mga naging housemates ko. Nasaulo ko na ang amoy ng hangin at lawak ng bawat classrooms, laboratories,  at lecture halls ng mga major subjects ko. Naging karaniwan na sa akin ang bawat umaga, tanghali, hapon at gabi sa elbi. Ang usapin sa ibaba ay tungol sa  konting academic life ko. Kung ikaw ay naghahanap ng makulay na istorya at kapanapanabik na mga tagpo, maling webpage ang nasa harap mo.

Name: Marlon Anico Jaurigue
Student Number: 2006-40325
College: College of Arts and Sciences (CAS)
Home Institute/Department: Institute of Computer Science (ICS)
Degree: B.S. Computer Science

Related Posts:

“Toooot tooot!Toooot tooot!
Toooot tooot!Toooot tooot!
Toooot tooot! Toooot tooot!
Toooot tooot! Toooot tooot!
Toooot tooot! Toooot tooot!”

Gising ka na…. dapat. Or posibleng ni-snooze mo lang yung alarm mo at hihirit pa ngkonting idlip. Konting idlip ha? Idlip lang. Pipikit ulit. Sarap pa matulog eh. Maaga pa naman. 7am ang klase mo, ay exam pala. Long exam mo pala ngayon sa Math 17. 6:10am pa lang sa orasan. Malapit lang naman ang Math building mula sa main gate. (snooze by 10 minutes, next alarm 6:20am)

“Toooot tooot!Toooot tooot!
Toooot tooot!Toooot tooot!
Toooot tooot! Toooot tooot!
Toooot tooot! Toooot tooot!
Toooot tooot! Toooot tooot!

Toooot tooot! Toooot tooot!

Nagdiretso sa tulog.

Toooot tooot! Toooot tooot!

Hanggang mag-off ang alarm.

Zzzzzz…..

Naalimpungatan.

Ohh shit! Anong oras na!? Sabay tingin sa orasan: 7:X am where X is a natural number from 1 to 5. Sabay takbo sa banyo.Hilamos. Sipilyo. Palit ng damit. Paspasan. Suot ng tsinelas. Kuha ang bag. Icheck kung nandoon ang ballpen at bluebook na binili kagabi. Lakad ng mabilis. Mabilis pa. Mabilis na mabilis na lakad. Groove Drive… Pasok sa main gate.. lakad na mabilis… Ang tagal mo makarating sa Math building! Lakad pa! ayan na… malapit na ang Math building…. Then pasimpleng takbo… Hallway. Sa room 103. Ang mga kaklse mo nakasubsob na. May exam paper na. Mabilis na kinuha kay Ma’am Palacio ng exam paper, nagpunta sa upuan at nagsagot ng exam. Kabado. Malakas na tibok ng puso dahil na rin sa mabilis lakad at pagtakbo.

Hindi naman araw-araw nangyayari sa akin ang ganyan. Nangyari lang na may isang gabi na puyat ako sa kare-review(ows?) kaya tamad na tamad sa pagbangon. Iba sa akin ang tunog ng Math 17 eh. Prerequisite kasi siya ng mga major subjects ko sa susunod na semester.

Paulit ulit man (gigising-papasok-gigising-papasok), may kanya-kanyang kwento ang bawat araw. Ang dating napakahabang apat na taon ko sa elbi ay parang napakaikli lang ngayon kung alalahanin.

Klase sa Elbi

Asahan mong kung saan-saan ka sa campus magkakaroon ng subjects lalu na kapag unang mga taon mo. Sa mga unang araw ng pasukan lalu na’t  freshman ka, kailangan mo talagang alalahanin kung saan mo matatagpuan ang class room, lecture hall o laboratory ng subject mo else, malalate ka sa unang klase sa kahahanap at pagtatanong.

Bulletin board sa harap ng ICS

Bulletin board sa harap ng ICS

Computer Science student ako sa UPLB dati kaya madalas ang klase ko ay sa PhySci Building. Madalas ako tumambay sa lobby ng Institute of Computer Science (ICS) na nasa Wing C at sa tapat ng dalawang malaking lecture halls sa ground floor ng Wing B na sakop ng Institute of Chemistry (IC). Sa mga lobby areas na ito, madalas nagpapalipas ng oras ang mga estudyante, nagbabasa ng mga posters sa mga bulletin boards at kumain habang nakatayo o nakaupo sa sulok. May dalawang tindahan sa ground floor ng PhySci. May isang photocopy booth din na may Globe Autoload. Hindi ko lang alam kung may Smart load doon kasi halos buong yupielbi community ay naka-Globe. Kapag Smart ang gamit mo, malamang na outdated ka sa mga gm(group messages). Magastos din para sayo kung Smart ang gamit mo tapos katext mo ang crush mo na taga-elbi na malamang sa hindi ay nakasubscribe sa unlimited-text messaging ng Globe.

Hindi ako maporma sa elbi. Napakadalas na nakatsinelas lang ako at nakashort (at syempre t-shirt). Noong una madami akong dalang gamit (masipag pa sa simula).Pero nung nagtagal, tanging ang kailangan ko na lang ang dala ko. Madalas ay tatlong filers at isang ballpen lang.  Madalas ang klase ko ay sa lecture halls ng ICS sa 2nd floor at 3rd floor ng Wing B. Tanda ko, sa ICS Lecture Hall 3 naganap ang isang shooting nina Gerald Anderson at Kim Chiu. Hindi ko lang maalala kung anong palabas yon.

Hindi ko alam kung pano ang style ng turo sa ibang institute na nasa elbi. Basta sa amin sa ICS ay laging naka overhead projector ang slides na nakaflash sa isang board sa harap. Iba pa don ang board para sulatan. Maganda ang air-conditioning system tapos elevated pa ang upuan pataas mula sa harap. Uhmm, feeling ko nga ang ICS lecture halls ay ilan sa pinakamagagandang lecture halls sa campus. Tanda ko pa noon, isang taon after magkaroon ng tuition fee increase ang UP, napalitan ang rostrum na ginagamit sa mga ICS lecture halls at nagkaroon pa ng seal ng institute. Nagkaroon din ng kurtina ang mga bintana (naks naman, kahit hindi pinapasok ng liwanag ng araw). May mga lecture din ako na napuntahan kung saan lapel mic na ang gamit.

Mabilis ang facing ng aral sa elbi. Kapag umabsent ka, sorry sayo kung ang naging discussion ay medyo technical at mahirap aralin ng sariling sikap lang. Napapadalas na din noon ang pagkakaroon ng long exams kapag gabi. Siguro para hindi abala sa klase kapag daytime. Big event kapag may long exam. An hour before exam, madami na ang tao sa labas ng venue. Madalas sa lecture halls din nagaganap. Tapos nakakakaba. Hindi mo kasi alam kung sapat na ang inaral mo. Uso rin kasi ang mga kasabihan na hindi porke nag-aral ka papasa ka na. I’m not a prime student. Kung baga commoner. Hindi ako yung tipong nakikita ang pangalan sa top ng mga scores. Pero goal ko rin naman na mataas ang makuha.

CMSC 150

Ayoko ng singko (5.0). Sino bang may gusto? May maintaining grade kasi ako. Paaral ako ng DOST. E sayang naman kung mawawala. Hindi rin naman kami luwag sa buhay. Patay talaga ako kapag sumabit. 😐 Mangiyak-ngiyak na talaga ako sa pag-aalala kung anong mangyayari sa akin noong nakakuha ako ng 14% sa first long exam ng CMSC150. Ang layo ko sa passing na 60%! Ang CMSC150 pa naman ang sinasabing isa sa pinakamahirap na major subject sa course namin. Hay… Maganda ang concept na pinagaaralan sa subject na yon. Ang astig nga eh, isipin mong matututunan mo ang mga algorithms na kayang magcompute ng N unknown values with M equations?? Ohh di ba? Kayang-kaya macompute ang values ng X1, X2, X3, … Xn na satisfield sa napakaraming conditions. Promising yung idea.. Kaso kapag ginagawa mo na, napaka fragile! Isang mali mo, sunod sunod na! Chain ang peg.  Isang mali mo, get ready.

cmsc150

Anyway sa huli, ipinasa ko ang CMSC150. Hahaha! Sobrang pasalamat ako. Haha kasi ganito yon. Nung sumunod na long exam sabaw pa rin ang score ko noon with 47% yata yun. So ayan, 14% at 47%. Nakakaiyak talaga. Down na down na ako noon. Nakwento ko na rin sa parents ko ang nangyayari sa subject ko na yun. Para atleast may “warning” na baka mawalan ako ng scholarship. Then lumabas na ang mga usap-usapan na yung mga students na feeling nila ay hindi na talaga kakayanin ay mas mabuti pang  i-drop na muna ang CMSC150 para hindi lumabas sa record ang 5.0. Parang pinatatamaan ako ng mga usaping yon. Shet. Pakiramdam ko talaga ipinaririnig sa akin ang salitang “DROP”. Nung sumunod na lecture class namin, sabi ni Sir JP Galang (lecturer namin sa 150), antayin muna daw namin matapos ang 3rd long exam bago kami magdecide kung magdadrop kami ng CMSC150 (kami == kaming mga alangan). May pag-asa pa daw.

Malayo pa ang exam nag-aaral na ako unti-unti. Tapos sa pagkakatanda ko, isa sa mga gabi before ang gabi ng exam, nakiovernight ako kina Ate Lanie kasama si Vic para mag-aral ng 150. Orgmates ko sila at pare-pareho kaming may 150 that time. Magdamagan ang review na yun. May stick-O kami at mga dingdong para hindi antokin. Ayun review review hanggang paumaga na.

Ang naging paglabas ng results ng exam ay judgment day para sa aming mga alangan. Mas madami daw pumasa sa exam na yun kesa sa dalawang nauna. Tuwa naman ako kasi kahit papano baka kasama na ako sa mga pumasa. Unang tatawagin ang mga nakaperfect scores. Waw ang galing naman, may mga nakaperfect. Mga sampu silang perfect scorers.

“Sana pumasa ako. At kung posible sana medyo mataas taas sa 70% para naman kahit papano mabawi ko ang nauna kong super hulog.”

Ganyan halos ang sinasabi ko noon. Nang biglang ni-release ang exam paper ko kasama ng mga perfect scores! HAHAHA! Kung pakiramdam mo ay nagyayabang ako kaya ko inilagay ito sa blog na ito, wala ako pakialam. HAHAHA.. Sobrang saya ko lang kasi nang malaman ko na ganoon ang nangyari. Bihirang bihira ako makaperfect ng isang long exam. Mabibilang nga sa daliri kung ilan lang beses yon, hindi pa nga yata makakadalawang kamay. Pero kung sa CMSC150 perfect, sobrang overwhelming na para sa akin! Kahit na sabihing madaming-dami ang nakaperfect scores, at least nabuhayan ako na maipapasa ko ang subject na ito. Yung fourth long exam ko, kung hindi ako nagkakamali ay naka 70%+ ako. 😀

Pinaghirapang Tres

Unang sem, tres agad!

Unang sem, tres agad!

Tres (3.0) ako sa Eng1. Proud ako dyan. Pinaghirapan ko yan! First year first sem pa naman. Nasapul agad ako ng lowest passing grade.

Ewan ko ba, hirap na hirap ako sa english kahit dati pa. Alam ko naman ang mga subject-verb agreements, passive-active forms at kung ano pa pero kapag exam na, nagkakamali ako sa mga items na may ganyan.  Maalam ako pero hindi magaling. Kapag tests na, hindi ako maalam, sabaw ako. 😐

Noong nagsisimula pa lang ng semester kung kailan ako may subject na Eng1, pakiramdam ko mukha naman maayos ang lahat. Not until itanong ng housemate ko kung sino ang prof ko sa Eng1.

“Si Ma’am Ong. Ang bait nya”, sabi ko.

Kuya Ctoy(housemate ko): “Ahh good-luck.”

Naman.. Meaningful ang goodluck nya.  Mindset ko na lang, nasa studyante yan.

Hanggang lumipas ang mga araw ay parang nahihirapan talaga ako. Bakit kapag lecture examples clear sa akin? Bakit kapag exam na, ang layo sa examples ng mga given items? Ganoon daw talaga si Ma’am Ong. Perfectionist daw siya ayon sa mga ahead sa akin na napagtatanongan ko. Nabalitaan ko pa nga na yung isang oblation scholar (one of the UPCAT Top 50) na kabatch ko na may Eng1 din sa kanya(Ma’am Ong) that sem ay sumabit sa 1.75 (Mababa na sa kanya yun. Pero kung ako ang makakakuha nun kay Ma’am Ong, hayahay ang buhay).

Wala na ako magagawa. Pinakaunang sem ko sa elbi may 3.0 ako. Ohh di ba encouraging?! Nag-alala ako noon sa future ko sa elbi. Hanggang ilang sem kaya ang kaya ko? Tapos may Eng 2 pa. Pahirap pa daw ng pahirap ang bawat sem. Makakagraduate ba ako on time? Iniisip ko na lang mahahatak naman ng ibang subject ko ang tres na yun. Alam ko sa sarili ko na mas ok ako sa numbers and patterns. Totoo kaya yun? Kapag highly right brain thinker, mahina sa left?

UNO!

Anyway, kahit may tres ako sa unang semester ko, nakakakuha din naman ako ng mga uno. Ulit. UNO!

Eto na’t iyayabang ko na:

Philippine Games, UNO!

Philippine Games, UNO!

Philippine Folk Dance, UNO!

Philippine Folk Dance, UNO!

Kung kasama lang sana ang PE sa computation ng grades, napakasaya ko na sana! Kso hindi. Kahit ilang units pa ang PE na yan, hanggang sa TOR lang siya makikita.  Hindi ko nakuha ang PE na gusto ko noon, tsk tsk. Kaya kung saan may available slots doon ako nag-enrol. Kahit hindi ko talaga gustong sumayaw ng Philippine Folk Dance, nagawa ko matapos lang ang mga units na ito.

Sa elbi, required kang kumuka at ipasa ang apat na PE subjects (isang PE1 at tatlong PE2). Ang PE1 ay mostly lectures and concepts. Ang PE2 naman at practical subjects kung saan pipili ka ng sports na gusto mo. Kaso sa katotohanan, ang PE2 ay parang pag-ibig;  hindi porke gusto mo ay mapapasaiyo. Unahan sa slots. Kung sakaling arnis ang gusto, wag ka kaasang magiging PE mo ito sa sem na gusto mo. Kapag wala nang slot na available, try mo na lang next semester or ibang PE2 na lang ang subukan mo. Madalas preferred ng estudyante na kuhanin na agad ang mga PE subjects sa unang mga semesters pa lang. Busy na kasi ang mga gitna at pahuling semesters. Yung iba naman sa sobrang pagkaenjoy, kumukuha pa ng PE3. Hindi ko alam ang description ng courses (subjects) ng PE3. Ang alam ko lang, kinukuha yun ng ibang estudyante kapag minahal nila ang paglalaro.


Ang dami ko pang gusto ikwento. Ang dami kong naging kasabawan sa klase. Naalala ko yung sa speech com ko! Waaaa! Nakakahiya! Saka ko na lang i-share.

Related Posts:

*******

Advertisements

2 thoughts on “CAMPUS LIFE: 2006-40325 @ the University of the Philippines – Los Baños [Part IV]

  1. Pingback: CAMPUS LIFE: 2006-40325 @ the University of the Philippines – Los Baños [Part V] | Lonlon's Crib

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s