CAMPUS LIFE: 2006-40325 @ the University of the Philippines – Los Baños [Part III]

2006-40325 @ UP Los Banos

2006-40325 @ UP Los Banos

Waw lang! After nearly 2-years ngayon ko lang nasundan ang Part 2 ng edition ng blog topic na ito! Hahaha… Anyway ayos lang… Fresh na fresh pa rin sa akin ang naging buhay ko sa elbi. Teka, nasan na nga ba tayo? Usapang org muna siguro.

Name: Marlon Anico Jaurigue
Student Number: 2006-40325
College: College of Arts and Sciences (CAS)
Home Institute/Department: Institute of Computer Science (ICS)
Degree: B.S. Computer Science

Related Posts:

Orgs

Ang alam ko hindi hinihikayat ng Office of Student Affairs (OSA) ang pagsali ng mga freshmen sa organizations (orgs) sa campus. Ang sabi daw kasi, para daw focus muna ang estudyante sa acads nila at makapag-adjust sa environement na meron sa UPLB. Uhmm, tango-tango naman ako sa ideya na yun. Totoo naman. May sariling culture sa campus na possible na ibang-iba sa kinagisnan ng estudyante na kapapasok lang.

Pero wag ka. Second sem freshman days ako sumali! Hahaha. As in willing ako sumali talaga.  Walang pagpipilit na nangyari. Ang katwiran ko noon, kahit papano may ideya na ako sa org na sasalihan ko kasi sumali na ako sa dating activity nila nung highschool student pa lang ako. Hindi ko na muna babanggitin kung anung org yun. Baka ako ma-deads kasi sa blog na ito, sinabi ko na freshman ako sumali. Pasaway.

E di yun nga, sumali ako. Ang sabaw ko pa noon. Nagpresent ako sa isang varsitarian org tapos plano ko pang magpresent sa isang academic org ng mga DOST scholars. Akala ko parang magfifill out ka lang ng application forms then ayos na at member ka na! Hindi pala ganun sa yupi. Malayong malayo sa science club o math club mo noong highschool.

Bawal ang spill eh so hindi ko ikukwento ang napakasaya, napakasarap, napakahirap, napakadali, nakakapanabik, napakakulay, nakakarelax at nakakastress na pagpasok sa isang org. Ang tanging masasabi ko, naging matapang pala ako. Hahaha… expect the unexpected pala kapag sumasali ka. Hindi madali pero ang sarap sa pakiramdam pagkatapos ang lahat. Umiyak nga ako after eh. 😀

Second sem second year sumali naman ako sa isang campus-based org, ang Young Software Engineers’ Society. Isang academic org ang YSES para sa mga studyanteng kumukuha or kumuha ng certain courses sa Institute of Computer Science. Ibang iba ang process ng pagsali sa org na ito. Naamaze talaga ako. Malayo siya sa ‘norm’ ng membership process ng mga organizations sa UPLB. Pero hindi madali. Paghihirapan mo rin talaga. Seryoso, ang dami kong natutunan. Umiyak din ako nung naging official na myembro na ako. Ang iyakin ko talaga.

Busy magkaroon ng organizations. Ang mahirap pa neto ay if ever magkaroon ng sabay na meeting or activity ang dalawa kong orgs. Pero bihira naman mangyari yun. Masaya ang lahat every after ng bawat activity. Pero syempre, preparations are sometimes painfull especially during the days na may ma kasabay na exams.

Minsang ako’y Ulo

Nagplano ang YSES ng isang activity na hindi pa nasusubukang gawin sa campus, ang RoboCode. Isang programming competition in Java. Educational game siya na free sa lahat. Hindi ka gagawa from scratch kasi may mga available na java classes and methods na ang laro. Gagawan mo na lang ng artificial intelligence yung robot mo (in battle tank form) tapos ilalaban mo sa robots ng mga kalaban. Gets mo? Eto screenshot if ever na hindi mo maimagine.

Robocode battle screenshot

Robocode battle screenshot

Anyway e di ayun nga. Ganun ang susunod na activity at parang experiment ang mangyayari dahil hindi pa namin alam ang magiging outcome. Wala ako sa org meeting isang gabi nung pumili ang executive body kung sino ang maghe-head ng activity. Until nalaman ko na ako pala ang head! Di nga? Shet. Nakakatakot! At tinanong ko ang executive officer at ako nga daw. >_< Hala… Experience ito pero natatakot ako baka pumalya kapag ako ang naghead. Hardcode kasi ang mga orgmates ko at magagaling talaga nakakahiya sa kanila. That time hindi ako ganun confident.

Hindi naman ako pinabayaan ng executive body. Naramdaman ko na team kami. 🙂 E di prepare prepare. Hanap ng sponsors. Promotions sa campus. Posters. Permits and other papers. Ang galing ng mga committees kasi talagang career nila ang kanya-kanyang tasks.

Then a dilema came. May dalawang faculty members ng Institute of Computer Science na gustong sumali. Ang magiging activity ay group competitions at ang dalawang faculty members ay lumapit sa amin para sumali as a team. Ang problema namin ay baka isipin ng mga kasaling estudyante na hindi fair ang laban dahil nga instructors/professors ang kalaban nila na mas may advantage kesa sa kanila.  Deliberations. Meeting. Decision. Since the competition is open for all and wala namang nabanggit sa mga unang rules na may restrictions sa mga pedeng sumali, nakasali sa laban ang dalawang faculty members.

Surprisingly, estudyante ang nanalo! Ang lupet ng robot nya! Consistent ang panalo nya sa mga rounds. Inilaban rin ang robot na nanalo sa robot na champion ng second robocode competition after a year. At wagi pa rin! Ang galing talaga ng AI ni Les Manalili.

Noong hapon na natapos ang event, that was one of the most fulfilling na naramdaman ko during my college life. Kaya ko naman pala maghead. At isa pa, as team kami gagawa. Masaya ako nun. Hanggang ngayon nasa akin pa rin sa bahay ang token na ibinigay ng executive department para sa mga committee heads ng kauna-unahang robocode competition sa UPLB.

Rummage

First year or second year yata ako noon. Hindi ko lang matandaan kung kailan pero hindi ko malilimutan ang activity na ito with my varsitarian orgmates.

Nangolekta kami ng mga lumang damit na hindi na ginagamit. Tapos dinala namin ang mga yun sa Bay, Laguna isang madaling araw, mga 4am siguro. Ang gagawin namin ay isang fund-raising activity para sa gagawin namin major org event sa San Pablo. Noon ko lang naisip na pede pala yun. Na may ganung activity. At tinatawag na rummage. Hehehe.

E di benta benta naman kami. Iba iba ang presyo depende sa items. Habang unti-unting lumiliwanag, nadami na ang tao. Ang mura ng benta namin! Pero tinatawaran pa rin ng mga nabili. Maliwanag na. Awww may klase ang ilan sa amin ng umaga! So kailangan maubos na namin ang mga dala. Bagsak presyo! As in bagsak! Tipong P10 na lang kahit ang shirt! At ayun naubos naman. Uhm madami dami rin yung damit so ayun malaking ambag na rin yung perang nalikom. 😀

/**********************************/

Madami pang activity ang naranasan ko dahil sa orgs. Paggawa ng booth sa Feb Fair, UPCAT Review para sa mga highschool students, maghost sa isang quiz contest at  nagkaroon ng isang araw na sumali sa paggawa ng mga bahay. Nang dahil sa org natuto ako kahit papano gumamit ng photoshop (na ngayon ay nalimutan ko na kung paano). Naranasan ko rin na pumunta sa mga highschool campuses sa San Pablo para magdala ng mga invitations. May mga overnights pa sa resorts for inductions and membership events. Siguro nga mas busy kapag may affiliations pero ang kapalit naman noon ay mga karanasan. Hindi naman siguro masama ang ma-involve sa mga organizations. Maaaring kakain sila ng oras mo pero siguraduhin rin na balanse ang naibibigay mong atensyon sa academics mo. In the first place, kaya nasa unibersidad ang isang estudyante ay para mag-aral.

*******

Advertisements

2 thoughts on “CAMPUS LIFE: 2006-40325 @ the University of the Philippines – Los Baños [Part III]

  1. Pingback: CAMPUS LIFE: 2006-40325 @ the University of the Philippines – Los Baños [Part IV] « Lonlon's Crib

  2. Pingback: CAMPUS LIFE: 2006-40325 @ the University of the Philippines – Los Baños [Part V] | Lonlon's Crib

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s