The Bests of 2011

2011. Blessings… Experiences… Emotions… Ang dami, hindi ko na maalala ang lahat. Eto ang mahirap kapag walang notes tsk tsk. Anyway eto ang ilan sa highlights ng naging 2011 ko.

The Brod Brothers of Makati

“Of Makati”, kasi staying sila sa Makati. Sila sina Argiel, Ranier, Alvin, Andrew, Jordie at Ramsi. FHM ako sa kanila, Feeling HouseMate. Parang sa loob ng isang linggo, hindi pedeng walang isang araw na hindi ako mapapadpad sa kanila. Ampon siguro ang magandang term. Masaya kasi sa kanila. Sa bahay nila ulit ako nakakatawa hanggang maampat ang hangin sa aking mga baga. Kapag nga Sunday at bumalik ako sa Maynila, madalas sa kanila ang destinasyon ko. (Mag-aambag na ako sa tubig nyo swear. Nahihiya na ako hahaha)

Birthday Sagala

May 29, 2011. Yan na siguro ang pinaka unique ko na birthday. Feeling ko naman buong barangay ang may handa para sa akin. Nasa Maragondon, Cavite ako ng mga panahong yan at ako ang ginawang Konstantino ng sagala. Ang masaya pa, birthday ko pa ang araw yon. Ohh haaaa… First time ko rin tugtugan ng isang Birthday song ng banda. Para akong bata na hindi alam ang gagawing pagkakaupo sa kinauupuan habang tumutugtog ang musiko! Nahihiya na ewan.

Porsay Outing in Laiya, Batangas

HS classmates ko with some ampons sa Laiya, Batangas

HS classmates ko with some ampons sa Laiya, Batangas

Mga unang part ito ng 2011. Ang tagal na rin. At sana maulit. Sayang nga lang at hindi nakasama sina Ate Venus at Ate Roda. Pero kasama naman namin sina Argiel at Dustin, hindi ko sila highschool classmates pero involve na rin sila sa mga activity ng aming circle. (Ang payatot ko pa dyan amp)

Company Outing in Morong, Bataan

Company Outing in Morong, Bataan

Company Outing in Morong, Bataan

Mula sa byahe pa lang ay naenjoy ko na ang outing na ito. First-time ko dumaan sa SCTEX at makarating sa Subic. Masaya ang naging outing. Dagat dito, dagat doon. Wala ako paki kulay basta dagat doon, dagat dito. Yung picture sa taas ay kuha sa outing na ito. Ang dami pa namin.

Department Outing in Calatagan, Batangas

Department Outing Calatagan Batangas

Department Outing Calatagan Batangas

Kasama namin si Boss James sa lakad na ito. First-time ko marating ang dunggot ng kalupaan ng Batangas.. ang layoooo. Tanghalian sa laot… ohh ha! Seafoods seafoods seafoods! At wala na naman ako pakialam sa naging kulay ko matapos ang mga pagbababad sa ilalim ng araw.

Dito ko rin naranasan ang wake boarding! Slaaaaasshhh!! Slaaaaasshhh!! Slaaaaasshhh!!!!!!!!! yun lang, naging ganyan ang sinasapit ko matapos ang ilang segundong hinihila ako ng lubid. Naiiwan ako at laging sumusubsob sa tubig. Yung pinakaunang picture, nakakahiya man, proud ako kasi sinubukan ko. Hindi naman ako kilala nung mga nandun so ok lang.

Eastwood with Accenture Pips plus Boliwot and Seph

Ako na ang first time sa Eastwood

Ako na ang first time sa Eastwood

Sa Eastwood ko unang nameet si Yeabs… sa wakas hindi na siya multo lang. Well, actually hindi sa Eastwood eh, sa Galleria talaga nung nagaantay pa kami ng Taxi. Amoy promotion sa dinner na ito. Promoted kasi si Tangkay ayun, kinuyog namin para manlibre. Pero siya naman ang nagvolunteer.

Ang Nanay ko, Tatay ko, at ang Teleskopyo

Telescope ng Daddy

Telescope ng Daddy

Ang araw na binili namin ng Nanay ko at Ama ko ang telescope na ito ang isa sa mga fullfilling sa pakiramdam na naranasan ko. Sabihin na nating naging regalo ko ito sa ama ko. Matagal na pala niya gusto magkaroon nyan… At ayun! Yey! Masayang iniuwi niya yon sa Laguna matapos ang isang weekend visit nila sa akin sa condo. Treat ko rin ang naging tanghalian namin sa araw na yun. Ang sarap sa pakiramdam. Sobra. Noong una nag-aalala pa ang nanay ko sa matitira kong pera kasi ako ang sasagot sa tanghalian namin. Pero wag ka at niyayabang ko pa sa kanya  na “Magtuturo lang kayo ng kahit anung gusto nyo, ako na ang bahala!” Ang sarap magbigay ng treat sa mga magulang, lalo na at alam mong masaya sila sa ginagawa mo. Minsan lang kami lumabas kaya talagang pinaghandaan ko rin naman ang araw na iyon.

Unexpected Blessing

Straight to the point. Highly related ito sa naging annualization ko sa company na may “promotion-like grant”. Naging masaya ako dahil ayun, nabibigyan ko na ang magulang ko ng mas malaki-laki kumpara sa dati kong ibinibigay. Inaalala ko rin kasi ang ama ko, hindi na siya ganun kalakas para humawak ng mabibigat na trabaho kaya laking tuwa ko na malaki na rin ang naibibigay ko sa kanila para sa mga magiging gastos sa bahay.

2011. Salamat. Ang daming nangyari. Ang daming mga bago. Hindi ko man masabi ang lahat-lahat, masaya na rin ako sa naging 2011 ko. May mga hapdi man at saya, yung mga bagay na yun siguro ang dahilan kung anu man ako meron ngayon.

*******

Advertisements

One thought on “The Bests of 2011

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s