Epifanio (hala, sino yun?) vs. Super Cory

Ang dami daming issue sa bansa. Sakabila nito, nagagawa pa rin ng ilan nating mambabatas na gumawa ng panukalang magiging issue. At isa dito ay ang naging usap usapang palitan ng pangalan ang EDSA bilang Cory Aquino Avenue na inihapag ng isang papansin na kongresista na hindi natin sasabihing ang pangalan niyang Rene Lopez Relampagos. Siguro, gusto lang niyang gumawa ng isang batas na bebenta at mapapansin ng masa tulad ng astig na batas na ipinanukala ni Sen. Miriam Defensor Santiago, ang Anti-Epal Bill.

Epifanio de los Santos Avenue (image from callcentercon.travellerspoint.com)

Epifanio de los Santos Avenue (image from callcentercon.travellerspoint.com)

EDSA

Ang EDSA (Epifanio de los Santos Avenue) na siguro ang pinakakilalang kalsada sa buong Kamaynilaan. Sa haba niyang aabot sa 24 na kilometro, nagawa nitong pagdugtong-dugtongin ang mga lungsod ng Pasay, Makati, Mandaluyong, San Juan (malapit sa Greenhills), Quezon at Caloocan. Ang kahabaan nito ay binabaybay ng MRT.

Ang Papansing Panukala

Maiintindihan ko pa siguro kung bakit ipinangalan sa kay Benigno ‘Ninoy’ Aquino ang dating Manila International Airport. Ang kanyang pagkamatay sa tarmak ng paliparan ang siyang nagdagdag ng mahabang serye ng kwento sa kasaysayan. Ang araw na humandusay ang kanyang katawan sa lugar na ‘yon ang naglagay ng pangalan ng paliparan sa mga naisulat na aklat.

Sa isyu ng EDSA, hmmmmmm… anu nga ba naman ang laban ni Epifanio de los Santos sa isang Cory Aquino na naging presidente ng bansa. Malamang sa hindi, maraming pilipino ang hindi nakakakilala kay Epifanio. At kahit ako, hindi ko man lang nabasa ang kanyang pangalan sa mga history books mula elementarya hanggang sa pagtatapos ko sa Unibersidad ng Pilipinas. Kahit sa History1 class namin dati at PI 100  (mga units ma kinukuha ng halos lahat ng estudyante) ay hindi man lang nagbanggit ang kahit anu man tungkol kay Epifanio. Salamat na lang siguro sa Wikipedia dahil kahit papano, nagkaroon ako ng ideya na siya pala ay isang matalinong iskolar at leader.

Kung halimbawang ang EDSA ay Cory Aquino Avenue na, anu kaya mangyayari?

Una, hindi kaya magkalituhan? Tulad na lamang ng Gil Puyat Avenue at Buendia. Ang dami ko kayang kaibigan na windang na windang kapag naliligaw dahil inaakala nilang magkaibang kalye ang dalawang pangalang yon.

Pangalawa, e di yung mga Metro Manila buses ay magrerepaint ng mga nakalagay na pangalan sa body nila. Isa-isa nilang papalitan ng Aquino ang EDSA sa mga nakapintang “via NLEX-EDSA-Ayala-Leveriza-Baclaran” lalu na sa mga nabyaheng Bulacan.

Ikatlo, kapag nabasa ng isang bata ang salitang “EDSA People Power”, hindi agad  magiging malinaw sa kanya habang lumalaki kung nasaan ang EDSA. Maaaring mas magiging buhay sana sa kanya ang kasaysayan ng 1986 kung ang lugar na EDSA ay tinatawag pa ring ‘EDSA’.

Wala na ang EDSA. Cory Aquino Avenue na. Binago na. At waw mas moderno kesa pangalan ni Epifanio! Hmmm hanggang kelan kaya tatawaging Cory Aquino Avenue yan? Siguro, paglipas ng isang daan taon, papalitan na ulit ang pangalan yan. Malilimutan na si Epifanio ng tuluyan. At unti unti na ring hindi magiging kilala ang pangalang Cory. Hindi lumalago ang kasaysayan ng bansa, napapalitan lang ng bago. Hindi dumadami ang kwento ng bansa mo, napapalitan lang ng bago. Hindi yumayaman ang kasaysayan mo, ang naaalala mo lang ay yung bago.

EDSA People Power Revolution

EDSA People Power Revolution

EDSA… hindi ba’t nakilala ang kalyeng ito dahil sa EDSA People Power? Sa pangalang EDSA naganap ang isang malaking kwento sa kasaysayan. Sa pangalang EDSA nagtipon tipon ang mga tao para isakatuparan ang isang pambansang layunin. Sa pangalang EDSA nabuo ang kaisipan na kaya ng taong bayan manalo mula sa pagkakaipit sa ilalin ng diktaturya. Pangalang EDSA ang tumatak sa kasaysayan at sa isipan ng mga Pilipino. Sana ang mga kwento at damdamin ng kasaysayan ng EDSA at manatiling buhay hanggang sa kaapo-apuhan natin.

Si Cory Aquino ay bahagi ng kasaysayan. Siya ang tinagurian nating Ina ng Demokrasya. Iginagalang natin ang kanyang mga nagawa at hindi ito kalilimutan. Pero sana, maisip ng ating mga mambabatas na sa pagbibigay parangal sa isang mahalagang tao,  wag natin burahin ang mga detalye sa kasaysayang minsan pinahalagahan ng mga naunang Pilipino.

*******

Theme: Structure by Organic Themes.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s