Mideo Saga: Ang Sining, Kalayaan at ang Pambabastos, Bow.

Mideo Cruz

Mideo Cruz

Walang sinabi ang naging instant kasikatan ni Christopher Lao sa dami ng bibig na bumanggit sa pangalan ni Mideo Cruz. Netizens, mga tao sa simbahan, mga karaniwang mamamayan, at hanggang sa senado ay naging usapin ang kanyang katangi-tanging sining. Well, sining yon ayun sa kanya. Pero para sa karamihan, at para na rin sa akin, isang yung malaking pambabastos. Walang ganda. Pang-iinsulto.

Poleteismo

Ang ilan sa mga highlights:

Hybrid ng Imahe ng Jesus Christ at daga? Rosariyong ang krus at yari sa sirang manika At mukha ng imahe Jesus Christ na may titi sa mukha? Taena naman ohh… Kung kay Allah ito ginawa malamang matagal nang patay gumawa.

Sining. Totoong ang ganda ng isang sining ay ayon sa tumutingin. Maaaring panget sa iba at maganda para naman sa iba. Wala akong pakialam kung pangit ang sining na ipakita sa CCP. Kebs ko naman, hindi naman sila ang nagpapakain sa akin. Pero kung ang bagay na iyon ay magdadala ng pang-iinsulto, kaguluhan at problema sa bansa ko, hoy umayos ka kung sino kang tao ka.

Kalayaan. Personally, hindi ako naniniwala sa mga imahe ng santo. Pero bilang paggalang ko sa mga naniniwala, hindi ako para tawanan o magcommento sa mga taong yon. All-time famous phrase: Freedom of Expression. Sa pagkakataong ginawa ni Mideo Cruz, pag-abuso sa kalayaan ang nangyari. Wala consideration sa ibang tao.

Hmmm… sige sabihin nating ang kalayaan ay unlimited, siguro kapag nakita ko si Mideo Cruz, magpapakita din ako sa kanya ng art. Halimbawa, ipapakita ko sa kanya ang picture ng kanyang nanay na nakaprint sa isang malaking tarp at lalagyan ko ng titi sa mukha. Ohh di ba? Art yon. Hindi ko icoconsider na nanay nya yon (kunwari hindi ko alam) at ang ang goal ko lang ay gamitin ang mukha ng nanay niya (hindi ko alam na nanay pala niya) sa art ko. Tapos ipopost ko iyon sa CCP. Ahh hindi pala, siguro yung mas malaking version, ipopost ko sa gilid ng GA tower bilang billboard. Malaya kasi eh, malayang malaya ako magpahayag ng art.

Ano mararamdaman mo? Maaapreciate mo? Sasabihin mo bang “Wow Lon astig ng art mo.” Magagawa mo bang ngumiti habang pinagmamasdan ang art ko? Sa kasong yan ay imahe lang ng tao ang binastos ko. Pano pa kaya ang Dyos ng ibang tao.

Sa mga gustong muling buksan ang Poleteismo

Specifically, ang gusto ko tukuyin ay ang mga arts students ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman na patuloy na umaapela sa pagsasara ng Poleteismo sa CCP. Wala na bang ethics ang mga taga-College of Arts and Letters? Kapag ba sinabing Freedom of Experssion, kahit ano na lang gagawin mo? Wala bang konsiderasyon sa mga taong nasa paligid mo? Wala nang pagalang? Ganun na lang?

Kalayaan

Ang pakikipaglaban para sa kalayaan ay napakaraming beses nang nabanggit sa mga history books. Sa panahon ng mga Kastila, sumagot ang mga Pilipino sa tawag ng kalayaan para sa pagkakapantay-pantay at laban sa pang-aalipin. Sa panahon ng Hapon, nakipagdigma ang mga Pilipino para sa karapatang mabuhay. At sa panahon ng mga Amerikano, ipinaglaban ng mga Pilipino ang karapatan nating pamahalaan ang sariling bayan. Sa panahong ito, hindi kaya kalayaan na rin lang ang sisira ng moral at pagkakaisa ng bansa?

*******

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s