May Pakialam na ako sa SONA

“THE MOST AWAITED! Mula sa loob at labas ng Batasang Pambansa. Hanggang dyaryo, TV at radio! Narito na ang SONA 2011!”

Parang ganyan. Sobrang pinaghandaan ang naging SONA ni Pangulong Aquino, ang kanyang naging napakahalagang kulang-kulang na isang oras na report sa kanyang mga boss. Pati nga regular na palabas sa TV ay nawala para lang sa pagsasa-ere ng kanyang SONA at nagkaroon pa ng mga pasabog matapos ang naging pambubulgar sa napakasosyal na kape ng PAGCOR. Booommm!!!

Pampapormal ng Kaunti

As stated in Article VII, Section 23 of the 1987 Philippines Constitution:

The President shall address the Congress at the opening of its regular session. He may also appear before it at any other time.

Noong Lunes, July 25, 2011 mga ikaapat ng hapon, ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pnoy ay narinig ng buong bansa.

Naimpress ako?

Personally, oo, naimpress ako. Sa mga nagdaang SONA ng mga nakaraang pangulo (wooahh nakikinig na ba talaga ako noon?) wala man lang ako naalala na sobrang pagdidiin sa mga tiwali at maling mga palakad ng mga mananamantalang sa gobyerno. Ang pogi pogi mo tuloy Pnoy. Kapag ganyan ng ganyan, popogi ang pangalan mo sa future kapag inaaral na ang naging Philippine history. Siguro kung ako ay isang corrupt na opisyal ng gobyerno, magiging option ko na ang magresign, magpakalayo layo at mananahimik. Nakakatakot kasi kapag nahuli ka, tyak  mapapagaw ang pagiging wangwang mo. Ohh, kinakabahan ka na ba Mayor? Governor? Congressman? O sino ka mang tinatamaan na opisyal?

Isa pang malupet ay yung stand niya na ang atin ay atin! Sa usapin ng Spratly’s, hindi masama ang magdamot. Wala man tayong malakas na pwersa militar, may laban naman tayo sa international laws.

Hindi ko bet si Pnoy sa pagiging presidente. Pero sa ratings at tiwala ng tao sa kanya, masarap isipin na nagiging matatag na ang samahan ng taong bayan at gobyerno. Ito ang bagay na wala ang Pilipinas nitong mga nakaraang taon at administrasyon.

Nabitin ako?

Personally, oo ulit haha! Bakit? Hinahanap ko kasi ang kanyang stand sa nagtataasang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Baka kasi sakali na naging option nya ang Nuclear Power plant (isa ako sa mga pabor sa pagkakaroon ng operasyon ng Nuclear Power Plants :D) sa bansa para makatipid [joke lang]. May nabanggit naman siya about companies na interested sa oil exploration sa bansa pero kasi matagal pa iyon.

May mga nabasa din ako na hindi talaga lahat galing sa gobyerno ang naging dahilan ng pagtaas ng produksyon ng bigas. Hmmm… so sa akin hindi naging malaking pogi points ang naging bagay na yon. Ang iniisip ko na lang ay ang kanyang agenda parang maiwasan ang sobrang pag-angkat na nagdudulot ng dagdag gastos sa pagiimbak ng mga labis na angkat.

Pero hindi ko naman naisip na panget na performance ang nagawa niya sa kanyang unang taon. Mahaba pa naman ang kanyang termino.

Para sa mga walang kamatayang AKTIBISTA

Ang reklamo nyo ay walang naramdamang pagbabago sa loob ng isang taon.

Jusme! Kahit naman yata sinong presidente ang ilagay nyo, hindi agad mababago ang kalagayan ng bansa na mararamdaman ng lahat sa loob lang ng isang taon!!! Nakakainit ng ulo anak ng pupu (joke lang). Pano kasi ang mga lagi nyo inisip at butas sa pamahalaan. Ok ang may devil’s advocate sa isang lipunan, at least nakikita natin ang mali. Pero parang hindi na yata kayo naka-appreciate ng maganda sa buhay (hala bitter na).

Pahabol sa mga magagalit: Ang bansang ito ay may demokratiko at responsableng pamamahayag. Wala ako binanggit na mga aktibista ha. Pero kung tinamaan ka, ayun 😀 ngiti na lang.

Oh, anu na nga ba?

Hindi bat ang sarap isipin na ang taong bayan at gobyerno ay nagtutulungan? Oo nga’t naging magulo at madumi ang  nakaraang administrasyon pero sana sa pagkakataong ito, sa panahong unti-unti nang binabago ng kasalukuyang Pangulo ang lipunan, wag natin isipin na kalaban pa rin natin ang pamahalaan.

Nakakainggit ang Thailand. Nakabangon na sila matapos ang panahon ni Thaksin Shinawatra. Sana tayo rin. Marami sa atin ang hindi nakuntento sa naging SONA ng Pangulo .Pero unang taon pa lang naman ito. Mahaba pa ang panahon. Maaaring hindi natin naabot o nalampasan ang naging 7.3% na pag-angat ng ekonomiya noong 2007, may mga susunod pa naman tayo na taon na mas kompyansado tayo kung tayo may magtutulungan. (Langya, nasasabi ko ang mga yan?)

*******

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s