Paninibago

Tatawid ka at nagaantay maubos ang sasakyan sa kalye pero hindi mo agad naalala na hindi mauubos ang mga ito. Tititig ka sa kawalan at hindi mo namamalayan na nakalipas na ang limang minuto. Maglalakad ka pauwi at hindi mo napapansin na nilalampasan ka ng mga tao sa paligid dahil sa bagal ng bawat hakbang mo.

Ang nagdaang ilang mga linggo ay iba sa mga nakagawian. Siguro ay may bahagi ang pagiging pang-umaga sa trabaho. Ang pagsabay ko sa kalakaran ng oras ng karamihan ay nagbigay sa akin nagbigay siguro sa akin ng pagkakataon na salubungin ang ilang mga araw na kasama ang isang “bagay” na nagbibigay ng masayang damdamin.

Iba na ang nagiging tunog sa akin ng Byernes, Sabado, at Linggo. Habang natagal ay napapadalas na ng napapadalas. Nasasanay na ako sa kung ano meron at sa oras na mawala ito ay hinahanap ko. Ang pag-iisa ang nagiging oras ng pag-iisip at pangungulila na dati ay hindi naman. Ang bawat paguwi ng maaga ay panghihinayang sa pagkakataon na sana ay nasa palad ako ng masayang damdamin. Ang pag-iisa ay nagiging mas tahimik. Mas kakaunti ang buhay.

Hindi ko alam kung bakit sa huli ko na lang naiisip na magpasalamat sa pagkakatong ibinigay, sa pagkakataong ipinaramdam at muling pag-asang mauulit. Hindi pa man siguro matagal ang nakakalipas na panahon kasama ang masayang palad ay parang ang dami ko nang maikukwento kapag ito ay pinag-usapan. Wala nang punto pa para ikumpara ang nagdaan sa kasalukuyan dahil ramdam na ramdam ko na mas tatatak ang nasa oras na ito kaysa kahapon.

Naninibago ako. Pero naniniwala ako na sa bawat pagtatapos ng Byernes, Sabado at Lingo, ako ay masasanay sa paulit ulit na paninibago. Habang natagal, mas nagiging alipin ako ng palad. Pero gunusto ko ito. Mas ramdam ko na buhay ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s