Kurot sa Puso [a repost, February 7, 2009]

Pagabi na, 7pm may meeting para sa isng kong subject. Mga 8pm naman, may meeting ulit ako hanggang 12midnight para sa pagagawa ng project naming sa isang major. Nitong huli, lagging hating gabi na lang ako nakakauwi sa dorm ko. Madalas pa nga madaling araw. Ganito lang talaga ang buhay estudyante dito sa elbi.

Grove Drive, UPLB

Grove Drive, UPLB

Nang dumaan ako sa kanto ng Demarces sa Grove Drive, naalala ko yung bata na nagtitinta ng penoy at balot na nakita ko noong nakalipas ng gabi. Siguro Grade 4 siya kung tuloy siya sa pa-gaaral siya ngayon. Pumunta ako Demarces pata bumili ulit sa kanya. Sa loob loob ko, hindi ang tinda niya ang intension ko roon. Gusto ko lang makamusta ang bata. Hindi ko siya kilala pero gusto ko lang ulit makita kung nandoon ba ang musmos na kumurot sa puso ko nung nakaraang gabi.

“Nandoon pa rin siya”. Walang tinig na bukas bibig kong sinabi ko sa sarili. Nakaupo isya sa isang maliit at mababang upuan sa tabi ng kalye habang may dalawang buslo sa harap niya. Nag-aantay siya ng bibili ng kanyang penoy at balot mula sa mga nagdadaanang mga kapwa ko estudaynte. Hindi agad ako lumapit para bumili. Pinagmasdan ko muna siya. Ewan ko ba. Malungkot at masaya ang nararamdaman ko. Napapangiti ako kasi nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong ako ay bata pa. Malungkot kasi iniisip ko na kung pareho kami ng buhay sa panahon ng kabataan, malungkot siya kasi ramdam niya ang pag-iisa at hirap ng buhay.

Grove Drive, UPLB

Grove Drive, UPLB

Lumapit na ako para bumili. Isang penoy. Magalang siya. Natuwa ako. Kinausap ko siya habang hinahanap ang mainit penoy sa isa sa dalawang basket sa harap niya. Nang nabayaran ko na ang penoy, ayoko pang umalis. Pero malalate ako kapag hindi pa ako umalis. Lumakad na ako papunta sa campus, sa meeting ko.

Ang simple ng buhay ng isang musmos na kagaya niya. Naalala ko tuloy ang isang punto sa isang blog entry na nabasa ko.

“ang daming problema ng mundo, mga batang lansangan, pabagsak na konomiya, lumulubog na bansang pilipinas, may oras pa ba sa mga sariling problema? tulad ng problema sa kaibigan, pag-ibig at kung ano-ano pa… “

Mahalaga rin naman na ayusin ang bigat ng saloobin ng bawat isa sa atin. Pero sa mga naiisip ko sa mga oras na ito, may mga bagay na mas mahalaga pa sa ilang mga ninanais ko. May mga problema pa sa mundo na mas mabigat. Nainis tuloy ako sa sarili ko. Ang dami dami ko iniisip na nagpapabigat ng loob sa atin. Kung tutuusin, walang kwenta lang naman ang mga yun kung haharapin ko kung ano ba talaga meron sa totoong buhay. Dapat magpasalamat tayo kung ano tayo meron. Kahit sa isnag maliit na bagay. Kahit sa pagkakaroon ng 5 piso na barya para ibili ng isang piraso ng ponkan, nagpapasalamat na ako. Palagay ko, kailangan ko nang baguhin kung pano ako mag-isip.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s