CAMPUS LIFE: 2006-40325 @ the University of the Philippines – Los Baños [Part II]

Buhay Freshy

Name: Marlon Anico Jaurigue
Student Number: 2006-40325
College: College of Arts and Sciences (CAS)
Home Institute/Department: Institute of Computer Science (ICS)
Degree: B.S. Computer Science

EN-EF(NF)s. New Freshmen. Freshies. Newbies. It’s our day! Feeling ko naman noon kaming mga bago ang bida sa campus. First week of my college life. So so so promising (sa aking unang pag-aakala)! Large library na parang ang sarap lag tumambay (inakala ko lang yun noong una). Wide open fields! Parks! Country’s premier institutes! Equiped laboratories (Bago lang kasi sa akin so manghang mahangha ako). Theater-like lecture halls (nalula ako noon sa lalim ng PhySci Lecture Hall 1 at 2). Ang yabang ng feeling! Parang isa ako sa mga bagong students sa Hogwart. At isa sa kabatch ko ang kilalang si “Harry” na isang Oblation Scholar.

UPLB Main Entrace as seen from Vega Center

UPLB Main Entrace as seen from Vega Center

Ang daming mukha. Students from from different parts of the archipelago. Metro Manila. Albay. Batangas. Cavite. Laguna. CamSur. Davao. Cebu. Ilocos. Isabela. Rizal. Surigao. Pampanga. Zamboanga. Pangasinan. Ang mga lugar na yan ang halos madalas ko marining na nababanggit kung saan sila mga galing. May mga mayamanin. May mga mukhang tambay lang. May nakapolo pa na nakasemi-formal. At may nakatsinelas pa na mukhang bagong gising. May mga mabagal maglakad. May mga nagmamadali. Mayroon na madaming dala. Mayroong may filer lang sa bulsa. May nag-iisa maglakad. Mayroon ding grupo na tawanan ng tawanan. May Foreigners pa (Kano, Bhutanese, Korean, Vietnamese ang mga nakita ko). Maganda ang panahon. Maaliwalas.

Students waiting for thier crushes to come out from classes (image from whatsuplosbanos)

Students waiting for thier crushes to come out from classes (image from whatsuplosbanos)

Ngayon ko narerrealize, ang yabang ko talaga noon kapag nasa labas ng campus. Hindi yata ako nagpahuli sa pagbili ng lanyard/ID holder na may malapad na “strap” na may nakalagay na UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES. All caps. And bold. Kapag uuwi ako sa amin sa San Pablo suot ko lagi. Sa jeep. sa tricycle. Kahit nga pagpunta lang sa palengke o supermarket para may bilhin.

Freedom Park

Freedom Park

Orientation days. From the auditoriums of every Colleges, up to the Makiling Ballroom Hall of the Student Union Building, down to every recruitment orientations ng mga organizations (orgs). Tanda ko pa noon, nakasama ako sa dalawang orientation ng dalawang academic orgs sa vega center. Syempre, LIBRE ang foods! But I’m not actually planning to join in an organization sa panahong iyon. Napasama lang talaga ako sa mga orientations with  my two blocmates. Wala kaming permanente na magiging kaklase sa buong college life namin. Ang mga blocmates ko lang amg possible na madalas makasama ko sa karamihan ng mga subjects.

Math Building hosts most of the mathematics subjects and home for some of the math institutes

Math Building hosts most of the mathematics subjects and home for some of the math institutes

Every morning, five days a week, 7am ang start ng klase ko. The famous MATH 17 of all time. Madami daw ang sumasabit. Madalas nareretake ng mga estudyante na mula sa hard sciences (engineeing, chem, comsci, math, physics). Math 17 lang naman ang gateway mo para sa mga susunod na subjects na major sa susunod na sem. So kung sasabit, ka goodluck talaga. Masyado maaga para sa lahat. Madami ang nalalate. I guess kaya naman bumagsak ang ilan sa mga kaklse ko ay dahil tinamad gumising ng maaga. Laging late or di kaya hindi na napasok at sinasabing “Bukas na lang ako papasok, aagahan ko bukas”. Kaso the next day, ganun pa rin ang story. “Bukas na lang ako papasok, aagahan ko bukas, PROMISE na”. At mauulit ulit yun.

Naranasan ko na rin naman na malate. Noong una ayaw na ayaw ko malalate. So minsang naging ako ng 6:45am, bangon agad ako! Late na ako nagising! Punta sa banyo. Hilamos. Sipilyo. Wisikwisik?? Bihis. Spray na lang ng pabango. Kuha ang bag. Tsinelas. Takbo! Nangyari yun twice. Uhm… hindi pala. Trice pala. Kung may sumunod pa dun, ayuko na alalahanin. Ang mahalaga sa akin natapos ko ang Math 17.

CAS Building (Humanities Building) hosts most of the languages and arts courses and also the seat of the CAS Secretary. Just in front of the building is the Oblation monument.

CAS Building (Humanities Building) hosts most of the languages and arts courses and also the seat of the CAS Secretary. Just in front of the building is the Oblation monument.

First year first sem. English 1. English ang pinaka ayokong subject. Hindi kami magkasundo kahit noong highschool. Yun ang pinakamababa ko sa UPCAT. Buti nakalusot. Inakala ko nung una na promising ang English 1 class na yun. Until makarinig ako ng mga rumors about sa aking prof na mula sa kasama ko sa dorm.

“Good luck.”

Yan ang isa sa mga sinabi sa akin. Encouraging or discouraging? Hindi ko alam. Hanggang nalaman ko ang sagot noong matapos ang sem. May 3.0 agad ako! At pinaghirapan ko yun. >.< Natakot ako para sa mga susunod pa na sem. Kung ngayon ganito na, what more sa mga susunod pa. Amp.

Hindi ko na maalala kung anong bwan yun sa unang taon ko sa college. Isang umaga, nakita ko na lang na ang dami daming tao sa Humanities Plaza kung saan nandoon ang Oblation monument ng UPLB. Wala ako alam sa meron hanggang makakila ako ng kaklase ko sa isang subject. Oblation run daw meron. Talaga!? Totoo pala yun? So kelan kaya may tatakbong hubo’t hubad? Tanghali pa daw! Amp. Kamalas malasan. May klase ako noon sa  Social Science 2! Gusto ko umabsent hehehe… Pero nakokonsensya ako. Gusto ko mapanood. Pero hindi maaari. Hindi ko rin naman naiintindihan ang mga pinagiiisip ng mga political thinkers. Sa huli, nakibalita na lang ako. Hindi ako nakapanood.

“Ang daming mga camera!” Yan ang isa sa mga sabi-sabi. “… pedeng maestimate na mas mayayaman ang mga bading kasi sila ang madaming camera.”

Isa sa hindi ko malilimutan noong firsy year ko sa elbi (UPLB) ay ang mga hawsmates ko. CoEd angd dorm namin. Ibig sabihin, may mga babae at mga lalaki sa dorm. Lahat kami nasa seond floor. Magkahalo ang babae at lalaki pero hiwahiwalay ng kwarto. Hinding hindi ko malilimutan ang araw na dumaan ang sentro ng bagyong Milenyo sa UPLB! The best typhoon experience so far sa akin. Tanging room lang namin nina Mark at Alvern ang hindi sobra nabasa dahil nasa gitna ng bahay. Ang dalawang yero sa kusina natanggal. At ang lakas na rin ng agos ng tubig sa loob ng bahay! Nagagawa pa namin magtawanan kahit binabagyo kami. Mula sa lugar namin, kita ang kabilang apartment. Tanaw namin ang mga aparador dahil wala na rin yung bubong. At eto pa! At eto pa, ang mga tao sa kabilang apartment kahit basa na, tuloy pa rin ang autoload transaction!

“Paload naman! hindi lang makatext”, Pasigaw yon ha. Ang ingay kasi ng tubig at hangin sa mga bubong.

Bandang tanghali, tumila ang ulan. Lumabas kami nina Alvern at Mark para kumain. Tumila ang ulan noon bigla. Akala namin tapos na ang bagyo. So lakad kami a grove drive at kumain. Mamaya eto na ulit! Ang hangin! Sa kabilang direksyon naman ang hangin! Liparan ang yero sa grove drive! Mga signboards! Basang basa kami nakauwi.

Nang matapos ang bagyo, nagpunta kami campus. Ang ilang mga estudyante, tabukan sa mga fruit nurseries. Ang daming prutas na nagkalat. At ang buong campus, nakakatakot. Sirang sira. Mahigit isang linggo na nawalan ng pasok. At kaming comsci, mga dalawang linggo dahil sa walang power ang mga buildings.

Ang daming events na naaalala ko sa aking freshman days. Too many to enumerate sa isang blog entry lang. These are just some of the
highlights na hindi ko talaga malilimutan. Sabi nila, academically madali pa ang unang taon. So wag ako magtaka kung bakit matataas pa ang mga grades na nakuha ko (wooaaaah yabang).
Mga pahabols:

-Uhmmm naalala ko lang, sa year na ito naging cursh ko talaga si Ms. Aileen Macalisang. Ang ganda ganda niya tapos mabait pa. Smart siya noon. Globe ako pero wala ako paki, basta magsesend ako ng kowts sa kanya hahaha. Nagpapaturo sa siya sa akin sa Math noon na hindi ko manlang naturuan.

-Ang talino ng isang tao ay hindi lang sa academic masusukat. Maraming bagay sa mundo ang hindi naituturo sa loob ng klase.

-Ang tagiliran ng UPLB Main library ang isa sa pinakamagandang pahingahan sa buong kalawakan. Ang sarap magrelax. Mataas. Mahangin na hindi malakas.

-Ang “Grove Drive” ang most important commercial, financial, gimik, shopping and dining center ng UPLB. Nandito ang vega kung nasan ang Mcdo. Ang Mcdo dito ang nacoconvert sa isang “review center” kapag patapos na ang sem dahil sa dami ng mga group studies na sinasabayan ng kain. Kilala rin ang Grove sa Papus, KFC, Chowking, Paponeis, LB Square, “ICs”, Star Commercial Lane, “We Deliver” at marami pang iba.

-Residencial centers ng campus ang Men’s Dorm, Women’s Dorm, MAREHA, FOREHA, New Dorm, VetMed Dorm, Umali Subdivision, Raymundo Gate, Catalan, Belmore, at Ilags.

-Noong first year ako sa UPLB, makikita pa roon ang remains ang Chemistry  Building along Palma Drive kung saan dating nandoon ang isa sa electron microscope ng Pilipinas.

-Ang College of Arts and Science (ang astig na astig college ko) ay matatagpuan sa lower campus.

-saka na yung iba sa CAMPUS LIFE III.

*******

Advertisements

8 thoughts on “CAMPUS LIFE: 2006-40325 @ the University of the Philippines – Los Baños [Part II]

  1. Pingback: CAMPUS LIFE: 2006-40325 @ the University of the Philippines – Los Baños [Part III] « Lonlon's Crib

  2. Pingback: CAMPUS LIFE: 2006-40325 @ the University of the Philippines – Los Baños [Part IV] « Lonlon's Crib

  3. Pingback: CAMPUS LIFE: 2006-40325 @ the University of the Philippines – Los Baños [Part V] | Lonlon's Crib

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s