Odieyti [a repost]

[originally posted fromlonjuaurigue,multiply.com Jul 30, ’09 5:32 AM]

[A REPOST]

Megamall
-laging destinasyon pagsapit ng alas-siete ng gabi. Kalimitan sa mega A kami nakakagala kasi nandun ang foodcourt at powerbooks. dito nasalubog si Katrina halili, kamikaze at naganap  ang premier night nina showie at aiai isang gabing naggagala kami kung saan celebrity ang bawat umaakyat sa escalator kapag bigla nila makikita ang mga taong nagaabang sa gumagalaw na hagdan. Labo ko nuh

PowerBooks
-isang lugar sa megamall na masarap magawa ng tulog at pamamahinga. Gaganda ng sounds nila promise!! Kahit paulit ulit hehehe ako lang masarap sa tenga. Naalala ko tuloy dito nang si diday ay magbukas ng bagong book at itago sa ibang self para siya ulit ang babasa next time na magpunta kami. Naninigurado.

Busog Meal
-turo turo sa ortigas wahaha nalaman ko ito dahil kina diday at geo… nasa gilid ng St. Francis Square. Ito yung kainan na kung anung order ni tangkay, tawag ni diday kay geo, ay order ko rin wahahaha para may karamay ako sa magiging lasa ng food 😀

Carol-Innah
-new version ng busog meal sa st. francis square… moto nila ang pagiging malinis!!!! Hmmm bakit kaya?? May kinalaman daw sa kakompitensya? Ang meal nga pala ditto lagging may pang-almusal yata.

Discovery Center
-minsang naging pang 18th tallest building sa bansa, 40 storeys, for call centers, offices and hotel
-upang magkaroon ako ng kasabay sa hapunan, inaantay ko sina diday at geo sa gusaling ito. Sosyal ang tower nila ang ganda…may hotel ba naman kasi. Kapag inaantay ko sila, pedeng nakaupo ako sa tabi ng billboard ng HSBC o kaya nakasandal sa may poste. Badterp nga lang kasi ng minsang nakasandal ako sa poste, kamusta naman ang taong naghulog ng upos na sigarilyo mula sa mataas na palapag. Tinamaan ako!!! Sarap sunugin ng baga.. at hindi lang isang beses? Nalaglagan din ako ng crampled paper!!!! Nananadya na ah!

KFC
-ang tinutikoy ko dito ay yung branch sa ground floor ng raffles corporate center. Ang default meal ay chicken stake with extra rice kami ni geo at famous bowl and extra baso naman kasi diday. Tapos kakainin naming yun sa second floor kung saan may banyo na ang sabon na nandun ay dinaig pa ang amoy ng sabong panlaba. Nga pala, yung extra baso ni diday, dun niya ilalagay ang iinumin niyang gravy mula sa mainit na thermos.

Overpass (j.vargas-emerald junction)
-kapag uuwi ako o di kaya ay dadating papunta dorm at dala ang mabibigat na gamit, nakakapanlambot tingnan ang overpass na ito. Ang bigat ng gamit tapos ang hirap iakyat sa itaas!!! May harang kasi ang sidewalk, naninigurado na sa overpass talaga ang tawid. Ang daming event dito! Halimbawa, ditto nakita ni geo si aileen. Kamusta naman yun at hindi niya nabati. Hahaha kinabahan daw wahahaha!!! Then, nung supposedly huling araw ko sa ortigas, ito ang naging sagip ulan ng maraming tao na naglalakad, may paying man o wala. Waw talaga at nanlalaban ang ulan ng panahong yun. Hindi ko na nakita ang tuktok ng mga building sa sobrang tapang ng ulan.

Antel Global Corporate Center
-Isang 38-storey glass tower, for office use
-ito ang gusali kung saan ako may OJT. 12midnight to 9am ang duty ko. Napagkakamalan ang ako callcenter agent  lalu na minsan isang umaga na ako ay may binalikan sa tower dahil sa naiwang gamit. Ang bilis at walang traffic sa elevator kapag gabi… indemand naman sila pagpasok ng umaga.

One Corporate Center
-hindi pa ito tapos pero sa naging paglagi naming sa ortigas, dapat naman talaga wala kami pakiaalam sa gusaling ito, pero kasi naging landmark siya para sa amin sa tuwing uuwi ng dorm. Tinabihan niya ang antel  kaya ayun tulay nanliit ang antel sa taas niya.

“Sige Pasig! Sige pa!”
-para sa isang politikal at makaekonomiyang pagiisip, ipinapahiwatig nito na “sige pa pasig! sige pa sa pag-unlad!”. Pero sa takbo ng isip ni George, ganito yun: “ha? Sige pa? sige pa saan?” wahahahahaha!!! Kasi nga naman hindi directly sinabi sa nakasulat kung para saan yung “sige pa”. wahahaha. Mababasa mo ito sa flyover sa crossing ng j.vargas at meralco ave… hahaha malamang talaga mabasa mo ito kasi malaki ang pagkakasulat niya..

Parking Sign: “For Happy Wealthy Customers Only”
-anak ng tokwa! Nung una ko itong mabasa mula sa isang parking sign sa isang establishment malapit sa dorm, nakakainit ng ulo anoh?? Wahahaha napakadiscriminating!!! Kapag mayaman ka pero malungkot hindi ka pede magpark ng car dun. Ganun din kapag mahirap ka pero masaya ka. At mas lalung hindi ka makakapagpark ng sasakyan kapag mahirap ka na nga, malungkot ka pa! wahahahahaha!!!! Pero nung nakita ko ang pangalan ng establishment na “Happy Wealthy Spa”, ahh ok kaya pala.. pero ang pangit pa rin.. wahahaha ang catchy ng parking sign.

Medical City Bus
-ito ang bus na lagging mis na mis ni diday tuwing uuwi kami mula sa megamall patungong dorm. Malulungkot siya kapag hindi nakita ang bus na ito na nasa kanyang paradahan sa isang gasoline station sa j.vargas-meralco aves crossing.

Home Depot
-ang bongga nga mga sasakyang nakaparada dito. Parang everytime na uuwi kami sa hapon, namimili kami ng sasakyang aming gagamitin. Badterps nga lang kapag bandang patanghali! Ang ineeeet dito!

EDSA-Magallanes Interchange
-crossing ito ng EDSA at highway na mula sa SLEX. Sa tuwing umuuwi ako, makikita ko rito  na habang umaakyat ang bus na sinasakyan ko sa flyover, ay hihiwalay kami ng daan sa mga byaheng papuntang baclaran. Hihiwalay ang sinasakyan ko sa daang papunta sa lugar na tinitirahan nina geo at diday. Sa lugar na ito naghihiwalay at nagtatagpo ang aming mga mundo; buhay ojt at karaniwang buhay.

Ministop
-ang tinutukoy ko dito ay yung branch malapit sa metrodorm. Dahil maaga kami nagdidinner, 6pm ba naman lalakad na sa st. francis o mega para kumain, nagugutom kami sa hating gabi. Ako at si tangkay malimit, before ako pumasok sa trabaho, kumakain sa mini stop. Hahahaha laging sa second floor.

Metrodorm
-nung una ay naaasar talaga ako sa dorm na ito. Pano ba naman, ang presyo ang mahal. Kung sabagay, iba ang galaw ng pera sa metro manila kumpara sa elbi. Basta ang daming nangyari. Naaalala ko, noong una, talagang naghahanap kami ni vacant ni geo sa dorm para maka-stay.. di diday din, naghahanap para sa vacant na pang babae. Noong una akala ko wala talaga, pero nung huli hahaha ang bait talaga ni Lord! Naka-stay kami sa dorm parepareho. Yung lobby ng dorm, nagsisilbing lugar tagpuan para sa lahat. Dito kami nag-aantayan kapag sasama ako sa lakad.

——- July 30, 2009——-

Matagal-tagal na rin nung huli ko naisulat ang mga huling salita na nasa itaas. Kalagitnaan na ng semester. Parang kamakailan lang ang naging ojt ko. Masaya kasi natapos ko ang aking cmsc 198. Malungkot kasi gusto ko lagi balikan ang mga nakaraang araw na iyon.

Hindi ako malimit sa maynila. Kaya kapag minsan na may field trip at napapadaan sa mga lugar na pamilyar sa akin, kung saan natatanaw ko ang mga gusaling naging himbingan ng aking mga alaala, napapangiti ako at nalulungkot. Para akong sira na kinakausap at nangangamusta sa mga bagay na nakikita. Namamangha sa kapaligiran na walang dahilan sa kabila ng mahigit isang buwan kong pamamalagi noon. Gusto ko minsang bumaba ng sasakyan, puntahan ang mga lugar kung saan lagi kami namamalagi. Gusto ko makita kung anu na itsura ng paligid. Parang makasaysayang lugar para sa akin kung saan naganap ang isang malaking pangyayari sa buhay ko.

Ang bigat ng loob ko nang mabasa ko ang sulating ito na tala ng aking naging kasaysayan. Sana dumating ang araw na masaya., araw na hindi iisipin na sa susunod na mga araw o linggo ay hindi na ulit magiging masaya, araw kung kalian hindi na iisipin ang layo at lawak ng pisikal na mundo.

“…malungkot kasi may iiiwanan ka… masaya kasi uuwi ka na…”, journal.txt, May 29, 2009.

Lon

Advertisements

One thought on “Odieyti [a repost]

  1. hello I was fortunate to look for your blog in google
    your topic is quality
    I learn much in your topic really thank your very much
    btw the theme of you website is really fabulous
    where can find it

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s